Chapter 64 ♥

550K 10.6K 996
                                    

Chelsea POV

Ang saya ko. Para akong nasa cloud nine. On the way na kami pauwi ni Kyle. Masyado na ding gabi.

Hindi kami dun natulog sa cruise. Ayoko. Masama na. Baka pagsamantalahan pa'ko ni Kyle.

Ang bad ni Kyle. Pag naaalala ko yung sinabi niya kanina, waaah! Ang manyak niya. Ayoko munang maglalapit kay Kyle na kaming dalawa lang. Shemay!

Delikado ang perlas ng sinilangan. Haha.

"Baby ko.."

Kyaaa! Ayan na naman. Yan na yung tinatawag niya sakin sa halip na gummy bear pero..

"Pa-kiss."

"Gummy bear naman!" Suway ko. Namumuro na yan. Nakakarami na ng kiss. Adik na yan grabe.

"Tch. Kiss lang eh."

"Mag-drive ka na nga lang. Ikaw gummy bear, nagiging manyak ka na."

"ANO? Ako manyak? Oy may karapatan na'ko sayo. Boyfriend mo na ako!"

Aba naman. "Ewan sa'yo Kyle."

Tumingin ako sa bintana ng kotse. Napatingin nalang ako kay Kyle nang itigil niya sa gilid yung kotse nya.

"Bakit mo tinigil?" Nakakunot-noong tanong ko.

"Kiss mo'ko."

"Kyle naman!"

"Hindi tayo aalis dito hangga't di mo ko kini-kiss."

Hanla naman si Kyle. Bakit ba ganyan na yan? Waaa. Naman.

"Kyle naman eh.."

"I'm waiting."

May choice pa ba ako? Yang si Kyle nakakahalata na 'ko dyan talaga eh.

 I kissed him on his lips. More than a second din ang itinagal nun before I stop kissing him.

"Nakaka-adik talaga." Sabi ni Kyle.

Nagba-blush na naman ako. "Ano, tara na? Paandarin mo na ulit kotse." Sabi ko.

 "Wait. May gusto lang muna akong sabihing agreement bago 'ko 'to paandarin."

"Ano namang agreement yan?"

"I want you to kiss me always. Pag mag-mi-meet tayo paglabas mo ng condo mo papasok ng school, basta everytime na magkikita tayo and maghihiwalay, we will kiss."

Mukhang kiss na yang si kyle. Pero yang sinasabi nyang agreement, it's kind'a sweet. "Okay fine."

 "Great!"

Pinaharurot na niya ang kotse. Nakahiga din ng maluwag. Si kyle para kasing sinasapian eh. Napaka-sweet at napaka-bait niya.

Pero bet ko yun.


-

Sa condo..

Dito na ako sa may pinto ko pero etong si Kyle nakahawak pa din sa kamay ko. Ayaw pa ako papasukin. Adik na yang si Kyle.

Maaga pa tayo papasok bukas gummy bear. Let's sleep na." Sabi ko.

Si Kyle makatingin, akala mo nang-aakit eh. "Dito na ako tulog sa unit mo baby ko.."

Talagang yan na ang endearment niya. "Kyaa! Wag ka ngang ganyan gummy bear. Sige na, pumasok ka na sa unit mo." Tinutulak ko na sya gamit ang isang kamay ko. Hawak pa din kasi nya yung isa pang kamay ko.

"Pinagtatabuyan mo na ba ako?"

"Di naman sa ganun gummy bear."

"Tch. Gusto ko ngang tabi tayo matulog eh."

"Kyaaa! Wag ka ngang ganyan Kyle."

“Sungit. Sige na pumasok ka na. Ako kasabay mo pumasok bukas. Baka paglabas ko bukas ng unit ko, may dalawa ng asungot na naka-abang ha."

Si Kyle talaga, seloso.

"Oo. Sayo ako sasabay gummy bear. He-he. Wag ka na magagalit kina James at Adrian. Alam naman na nilang tayo na eh. Friends nalang kami."

"Oo na. Basta ayokong hinahawakan ka nila. Kahit akbay o kahit kalbit lang, di pwede."

Lupit nitong si Kyle talaga.

"Oo napo gummy bear. Sige na. Goodnight na." Sabi ko.

"Okay. I love you." He said then give me a peck on my lips.

Lakas pa din ng impact ng mga salita ni Kyle sakin. Lalo na ang kiss niya.  Shemay!

"Eh, I love you too." Sagot ko. Nag-aalangan pa'kong ngumiti. Hiya pa din kasi ako sa pagki-kiss namin. Kay Kyle parang natural nalang eh.

"Sige na pumasok ka na ng unit mo. Pag tumagal kapa ng ilang segundo dito sa harap ko, baka di na kita papasukin jan sa unit mo."

Dali-dali akong pumasok ng unit ko at mabilis na sinara ang pinto. Grabe talaga yung si Kyle

Nayakap ko ang sarili ko. Grabe, kinikilig talaga ako kay Kyle. Promise!

*

Kyle POV

Kakapasok ko lang dito sa unit ko. Ang sarap sa pakiramadam yung mapasaya ko si nobody.

Mahal ko talaga sya. Nagtataka nga ako sa sarili ko kung saan ko nakuha yung pagiging sweet kay nobody. Siguro dahil talagang mahal na mahal ko na sya.

Ayoko siyang mawala sakin. Ayoko dahil hindi ko yata kakayanin. Yung makita ko nga lang sya sa piling ng ibang lalaki, halos pumatay nako ng tao sa selos eh. Gagawin ko lahat ng pwedeng makapagpasaya sa kaniya. At ipapangako kong magiging mabait nako.

Hindi na ako yung Kyle na walang puso. May puso na ako.  Puso na nagmamahal kay nobody.

I grabbed my phone and type a message for nobody before going to sleep.

*

Chelsea POV

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko. Naiisip ko pa din yung moment namin ni Kyle. 

Tulad ng kanina, kinikilig pa din ako. Shemay!

Tenenenenen!

Oh may nagtext sakin. Kinuha ko agad iphone ko na nakapatong sa side table.

From: Kamahalan
Goodnight baby ko. I love you. See you tomorrow. I miss you.

"KYYYAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!"

Nagpapagulung-gulong nako dito sa kama ko dahil sa kilig. Omo! Ang sweet ni Kyle! Waaaah!!!!!

I calmed myself bago siya replyan. Hinga malalim. Kalma lang. Kalma.

To: Kamahalan
Goodnight din gummy bear. I love you too. Miss din kita. See you tomorow :)

SENT!

Nayakap ko ang iphone ko. Kilig talaga ako! Di ko expected na magiging ganyan ka-sweet si Kyle bilang boyfriend. Ang swerte ko sa kaniya! Ayee!

Nga pala. Papalitan ko na pangalan ni Kyle dito sa iphone ko. Hindi na 'Kamahalan', papalitan ko na siya ng 'Gummy Bear'

Kyaaaa!

Grabe. Makatulog na nga. Tomorrow is another day...with my Gummy Bear! Hayahay!

ZzzzzzZzzzz..

Mr. Popular meets Miss NobodyWhere stories live. Discover now