Chapter 36 ♥

717K 13.9K 6.1K
                                    


Kyle POV

Kakabalik ko lang dito sa room galing CR. Nasira ko yata yung basurahan dun. Haha.

Paki ko naman. Tch.

Pagpasok ko sa room, wala pa din prof. Lintik. Yang mga prof na yan, sayang pinapasweldo, laging late.

Si nobody at Adrian, nagtatawanan habang nagku-kwentuhan. Umupo nako sa upuan ko. Si Lance napansin ko kakaiba tingin sakin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Masungit na tanong ko kay Lance.

No response. Tumingin lang sya sakin sandali tapos nilipat na ang tingin sa kawalan.

Badtrip 'to.

Sinipa ko upuan ni nobody kasi diba yung upuan niya nasa unahan ko.

"PROBLEMA MO KYLE?" Aba sinisigawan nako ng alipin ko ah. Porket katawanan nya si Adrian.

"Wala naman. Uutusan lang kitang ikuha ako ng coke in can sa tambayan." Seryosong sabi ko.

Sumimangot siya. "Kainis ka Kyle!" Sabi pa niya.

Aba, aba. Namumuro na ah. "Bakit? Masyado ba kitang naaabala sa pakikipagtawanan kay Adrian?"

"ANO?" Sigaw na naman ni nobody.

"WALA! Bilisan mo nga!" Sigaw ko dahilan para automatic siyang mapatakbo. Susunod din pala dami pang satsat.

"Sobra ka naman yata Kyle." Sabi ni Adrian sakin. Seryoso siya.

"Tch." Sumandal ako sa upuan ko.

"Kyle umamin ka nga sa'kin, nagseselos ka ba?"

 *

Lance POV

"Anong sabi mo?" Tanong ni Kyle kay Adrian.

Medyo nag-iiba na yung temperature sa pagitan nina Kyle at Adrian. Totoo lang, wala akong kakampihan sa kanila dahil may sarili akong mundo.

"Nagseselos ka ba?" Ulit ni Adrian

Tumawa si Kyle pero halata namang fake smile. "Anong pinagsasasabi mo dyan Adrian?"

"Nagseselos kaba dahil may gusto ka kay Chelsea?" Seryoso pa din si Adrian.

Nakakaamoy na ako ng away dito ah.

"Bakit naman ako magseselos? At paano ako magkakagusto sa isang NOBODY?" Diniin pa talaga ni Kyle ang salitang nobody.

Ano ba naman tong dalawang 'to. Si Chelsea pinag-aawayan. Pero kung ako tatanungin, napapansin ko din parang may gusto tong si Kyle kay Chelsea.

"Ang NOBODY na sinasabi mo, yun ang nagpapatibok ng puso ko." Matigas na sabi ni Adrian.

Nagpapatibok ng puso? Amp! Nagkakaaminan na ah.

"Anong pakialam ko? Ang sakin lang, alipin ko pa din siya kaya may karapatan akong utusan sya hangga't gusto ko." Sabi ni Kyle na halata namang nagulat sa ginawang pag-amin ni Adrian.

Yung mga classmate namin nagtitinginan na at nakaabang sa mga salitang binibitawan ng dalawa.

Mga tsismoso, tsismosa, naglipana.

"Pero hindi tamang ituring mo siyang ganun! Kung sipain ko kaya yang desk mo, ano mararamdaman mo?" Galit na sabi ni Adrian.

"Ano? Alam mo Adrian, wala kang pakialam sa gusto kong gawin. Alipin ko sya diba? Kailangan ko pabang ulitin? Ha? Alipin ko sya!" Sigaw naman ni Kyle.

Palipat-lipat na tingin ko sa kanilang dalawa. Pero syempre nakahanda naman ako kung magka-initan na.

"Kahit na alipin mo sya Kyle! Alam mo, kaibigan kita, bestfriend pa nga eh! Pero kung si Chelsea nalang din usapan, baka makalimutan kong matalik kitang kaibigan." Asik ni Adrian.

Mr. Popular meets Miss NobodyWhere stories live. Discover now