Chapter 67 ♥

554K 9.5K 1.4K
                                    

Chelsea POV

Hindi ko alam kung nananaginip lang ako o namamalikmata. Para kasing may humahalik sakin kaya ako naalimpungatan.

"Kyaaaaaaa!!!!!!!!" 

"Aray naman baby ko."

Sorry naman. Kasi naman, kasi naman pagmulat ko ng mata ko, si Kyle yung nabungaran ko.

Nakangiti pa siya. At.. At nasa ibabaw ko siya.

Waaaaaahhhhh!

"Bakit ka andito? At..saka.. Saka bakit ka ba nasa ibabaw ko?" Natatarantang tanong ko kay Kyle. Andun siya sa sahig. Nahulog. Haha nasipa ko kasi. Sorry talaga.

"Ano ka ba? Ang hilig mo manghampas tapos ngayon naninipa ka na. Aish. Gusto lang kita titigan. Wala akong ginawang masama okay? I only kissed you. At dito na din ako nakatulog kagabi." Paliwanag niya.

I sighed. Buti pala wala naman siyang ginawang masama. Baka mamaya pagsamantalahan ako ni Kyle eh. Waaa. Di pako handa.

"Bumangon ka na nga dyan. Papasok pa tayo." Sabi niya habang nagkakamot sa ulo.

Bumangon na'ko. "Opo."

"Tch. Punta na akong unit ko. Pagluto mo ako almusal. Pagkaligo at pagkabihis ko, pupunta na'ko ulit dito mamaya ha." Bilin niya.

"Opo gummy bear." Grabe lang. Like a boss. Hehe. 

Lumapit siya sakin at mabilis akong hinalikan. "I love you."

Hiya pa din ako. Hehe. Masasanay din ako. "I love you too." Sabi ko saka kami sabay na bumaba na. Nihatid ko pa sya sa pinto.

"See you later."

Tumango ako. Saka sinara na ang pinto nang makalabas si Kyle.

Kailangan ko pa pala maghanda ng pagkain.

*

Mandy POV

All cleared. Okay na ang plano. Haha. Tulad ng sabi ko, nasa akin ang huling halakhak. Sisiguraduhin kong babalik sakin si Kyle.

At ikaw Chelsea, iiwan ka niya.

"Hey Mandy."

"Philip." Sabi ko. Andito ako sa restaurant at nakipagkita ako sa isang old friend dahil kailangan ko ng tulong niya.

Gagawin ko lahat masira lang si Chelsea kay Kyle. Para in the end, sakin babalik si Kyle. Dahil naniniwala ako, ako pa din ang laman ng puso niya. Ako lang. Galit lang siya dahil sa pang-iiwan ko dati.

Totoo lang, mas na-hooked ako ngayon kay Kyle. Hindi naman yan ganyan ka-gwapo dati. Ngayon, full grown man na sya at makalaglag panty ang ka-gwapuhan niya. Una siyang naging akin kaya babawiin ko na sya ngayon.

*

Chelsea POV

Malapit na mag-uwian. Nakakapagod ang buong araw kasi puro lectures. Hindi nga kami masyado nagpansinan ni Kyle ksi sabi ko sa kaniya gusto ko mag-focus muna sa lessons. Oo nga pala, yung Mr. And Ms. Shin-Woo di na natuloy. Nagkaroon daw kasi ng problema sa admin. Hindi na'ko nag-usisa kasi diko din naman talaga gusto sumali dun.

Pero kanina magkasabay naman kami magbreaktime at maglunch. Tulad ng dati, ganun pa din kami. Mas sweet lang sya ngayon.

Ngayon ko nga mas na-realize na ang sarap maging boyfriend si Kyle. Lalo ko tuloy siyang minamahal. Kontento na ako sa kaniya. Swerte pa din ako dahil minahal ako ng isang gwapo, mayaman at sikat na si Kyle Shin-Woo.

Mr. Popular meets Miss NobodyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu