CHAPTER I---[2.3]

28K 751 60
                                    

Hindi sumagot si Bogart.

''Ano bang hinihingi mo dito kay cute este kay kuya?'' tanong ko pa. Parang kriminal tuloy si Bogart.

Pasimple kong sinusulyapan si cute boy at parang nakatulala lang siya sa amin ni Bakulaw Bogart.

''Nanghihingi lang naman ako sa kanya ng limang piso pero ayaw! May palabunatan kasi ng lobo sa canteen, bubunot ako!'' talsik-laway na sagot ni Bogart.

Naiinis kong pinahid ng hands ko yung droplets ng laway na tumalsik sa mukha ko. ''Pwede ba Bogart, nag shower na ako kanina sa bahay kay huwag mo na akong paliguan ng laway mo!'' mataray kong tugon. Kinuha ko yung wallet ko sa bulsa sabay abot ng pera kay Bogart. ''Oh bente pesos! Magsawa ka sa lobo. Wag mo na tong bu-bully'hin si kuya ha!''

''Oo na!'' sabay hablot sa pera ko.

Tapos nun ay um-exit na si Bogart. Ang hinayupak, di man lang nagpasalamat!

Tumalikod ako kay cute boy kunwari sinusundan ko ng tingin si Bogart. Kunwari di ko napapansin ang lumeleveling na precense ni cute boy.

''Uh...Uhm...T-thank you...'' uwaaah! Sa wakas nagsalita siya! At ang boses niya p-parang pang girl!

Feeling ko ay nagkaroon ng rocket ang mga paa ko at super high speed na lumipad sa outer space!

Back to earth!

Slowly akong humarap. Yung super slow mo. Yung sa sobrang bagal ay mapapanganga ka and...Tik...tik...tik...At di mo namamalayan na tumutulo na pala laway mo. Yung ganung factor n__n-

Nagsu-sway pa ang long hair ko sa pagharap sa kanya. Parang may invisible electric fan infront of me...

''Welcome...By the way, my name is Jenica,'' sabay lahad ko ng kamay ko to shake hands with him.

Then...

Nakipag-kamay siya sa akin. Ang lambwoot ng kamay niya, infairness!

''I am Nicco...Nicco Sevilla.''

Pati name niya cute rin huh. Pero bakit ganun siya kumilos at magsalita, parang...Bading?

Ay! Di naman cguro. Baka naman ganun talaga siya kumilos. Besides, sayang ang ka-kyutan ni Nicco kung vaklush siya huh...

Girl, Boy, Bakla, TomboyWhere stories live. Discover now