CHAPTER IV---[2.3]

17.4K 437 41
                                    

-=NICCO'S POV=-

''IS THERE a problem?....''

Sabay kaming napatingin ni Jenica sa pinanggalingan ng boses.

o.o

Gosh!

Si pogi na nasa counter!

Chance ko na itey! Gora!

Lumapit aketch kay pogi, then umakbay ako sa kanya. Normal lang naman sa mga boys ang mag-akbayan eh. Malamang, dito kay pogi ay walang malisya ang akbay ko pero sa akin... Meron! Meron na meron!

''Ito kasing kaibigan ko tol, nawawala yung memory card niya...Pano kaya iyon, tol?'' lalaking-lalaki talaga ang boses ko nung sinabi ko yun.

Baka kasi pag nalaman nito ni pogi na bakla ako ay layuan na niya ako, diba? Teka, hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya...Wiieee....Excited much na akong malaman ang name niya...

---------------------------------

-=JENICA'S POV=-

OMG!

Ano itong nakikita ko?

Si Nicco ba talaga ito? Bakit lalaking-lalaki bigla ang drama niya nang dumating 'tong lalaking to? Samantalang kanina daig pa ang babae sa kalandian!

Pero infairness...Kaka-inlove ka lalo Nicco!!!

Napaka-manly ng voice niya. Matikas kumilos. Sana ganyan ka lagi Nicco mylalabs ko! Love it na talaga!

Bigla-bigla ay lumapit sa amin yung tomboy. Hmp! Epal talaga itong magkapatid na ito.

''May problem ba daw, kuya?'' the tomboy asked.

Maganda sana itong tomboy na ito. Sayang talaga at nagpapaka-trying hard na magmukhang lalaki.

''Nawawala daw memory card nitong si..............''

''Jenica! Jenica ang name niya,'' biglang sabi ni Nicco. ''At ako naman si Nicco.''

''Enzo. Enzo pare!'' pagpapakilala nung lalaki. Tapos nag shake hands pa talaga sila!

Over na si Nicco huh! Obvious na type niya si Enzo. Ka-imbyerna!!!

Biglang sumingit naman iyong tomboy. ''Hi, ako naman si Thonie! Nice meeting you Nicco and Jenica.''

Todo-smile pa talaga si Thonie habang nakatingin sa akin.

''Ano ba? Magpapakilala na lang ba kayo o hahanapin natin yung memory card ko?'' nag sungit-sungitan talaga ako.

Panay naman ang pa-cute ng tomboy na si Thonie!

Girl, Boy, Bakla, TomboyWhere stories live. Discover now