CHAPTER III---[1.3]

19.7K 522 31
                                    

-==CHAPTER III==-

-=THONIE'S POV=-

''KUYA ENZO, ang ganda nung chicks dun sa table number seven, no?'' sabi ko kay Kuya Enzo nang lumapita ako sa kanya sa counter.

''Bakit type mo?'' tanong naman ni Kuya Enzo.

''Tinatanong pa ba yan, kuya. Of course type ko yung mga ganyang girl!''

Bigla akong sinapok ni Kuya Enzo.

''Aray ko! Bakit ka ba nananakit? Isusumbong kita kay mommy...''

''Sa tingin mo ba pumapatol yun sa tulad mong...Ahem... Tomboy?''

Hinawakan ko yung tapat ng puso ko at nagkunwaring nasaktan.

''Ouch! Ang sakit mo namang magsalita! Straight to the point,'' drama ko sa kanya.

''Ewan ko sa'yo. Ang kulit-kulit mo talaga!'' sabi ni Kuya Enzo habang ginugulo ang buhok ko.

Ganyan kami magkulitan ni Kuya Enzo. Super close kami nyan.

Dalawa lang kaming magkapatid. Obviously, siya ang panganay. Lawrenczo dela Paz, yan ang full name ni kuya pero ang tawag sa kanya ay Enzo, for short daw. Nineteen na si Kuya Enzo at katatapos lang niya ng college. Basta about sa business ang course niya kaya siya ang pinag-manage ng mabait naming mommy ng bago naming business na netcafe.

Ako naman, si Anthonia dela Paz. Pero magkakasundo tayo kung Thonie (tow-nee) ang itatawag mo sa akin. Ang bantot kasi ng real name ko eh. And yes, i am a lesbian. I don't know why I become a tomboy basta I woke up na ganito na ako...Haha...

Ano daw???

Sixteen na ako at katatapos ko pa lang ng fourth year high school. In the meantime, nag-stop muna ako sa school. Hindi ko pa kasi sure kung ano ang kukunin kong course kaya heto ako ngayon, helping my brother with our business.

You're wondering siguro kung bakit di ko nababanggit ang daddy ko. Its because he's in heaven now... Ayon kay Mommy one year old pa lang ako when my dad past away. Nakita ko naman siya, sa pictures nga lang...

Well, masaya na naman ako sa family ko. My mom and Kuya Enzo are very supportive at tanggap nila kung ano ako. Oh diba?

----------------------------------------------

Girl, Boy, Bakla, TomboyWhere stories live. Discover now