CHAPTER III---[2.3]

19.2K 490 24
                                    

-=JENICA'S POV=-

GRABE naman tong si Nicco! Talagang di mapuknat ang mata niya doon sa lalaking nasa counter.

Hindi ko naman siya masisisi kung titigan niya iyong boy na nasa counter na kausap yung kapatid niyang tomboy because gwapo naman iyong boy. Pero dahil one-man woman ang lola niyo ay talagang kay Nicco mylalabs lang ang love ko!

Nakakaasar! Mukhang type ni Nicco yung boy na iyon. Bakit kasi naging bading ka pa Nicco?

''Ang gwapo niya talaga...'' tila wala sa sariling nagsasalita si Nicco. Magkaharap kami ni Nicco at dahil nasa table kami ay laptop ang gamit namin. Nag-order na rin kami kanina ng chilled chocolate drink.

''Ang gwapo niya talaga, Jenica...'' tila babaeng kinikilig na sabi sa akin ni Nicco.

Holy Mama!

Umaandar na naman ang kabaklaan nitong mylalabs ko.

Mukhang mahihirapan yata ako sa misyon ko ah! Pero hindi! Hindi ako susuko.

''Sino naman?'' walang gana kong tanong. Nakatutok ako sa computer.

''Yung boy dun sa counter oh!''

I stop for a while and tumingin ako kay Nicco.

''Nicco, wag ka sanang mao-offend huh...But do you think normal lang na ma-attract ka sa lalaki? I mean, bali-baliktarin man natin ang panty ng matanda, lalaki ka pa rin...''

Nangalumbaba si Nicco.

''I can't control myself Jenica. Isa lamang akong normal na bakla ng nagkaka-crush sa lalaki. Isang baklang hindi maipakita ang tunay na pagkatao...'' eto na naman. Hinawakan na naman niya yung hands ko na nakapatong sa table. ''..And I am lucky to have a friend like you, Jenica...Atleast sa iyo, I can show the real me...I can show to you how gay I am.''

Friend? Talaga bang hanggang doon na lang tayo, Nicco...? Hindi ba pwedeng humirit na maging mag-jowa tayong dalawa?

Teka, ang drama naman ni Nicco. Teary-eyed tuloy ang lolabels niyo!

''Naku, ang drama mo talaga!'' natatawa kong sabi.

Ayun, at nag-concentrate na kami sa pag-cocomputer...

Medyo uneasy nga lang ako kasi feeling ko ay nakatingin sa akin iyong magkapatid na boy at tomboy!

Girl, Boy, Bakla, TomboyWhere stories live. Discover now