CHAPTER I---[3.3]

25K 708 75
                                    

''PASENSIYA ka na kay Bogart ganun talaga yun. Ikaw na lang umiwas sa kanya,'' kuntodo smile ako kay Nicco. Nasa bench kami noon.

''Thanks. At first natakot talaga ako sa kanya. He's forcing me to give him money since the first day of school...''

Oo nga pala. Second day pa lang ng school today. Nakakapagsisi tuloy, dapat pala pumasok ako ng first day para na-spot'an ko kaagad si Nicco.

''Don't worry, Nicco. From now on hindi kana mabu-bully ni Bogart. Akong bahala!''

''Thank you talaga, Jenica. Malamang nagkaron na ako ng black-eye kung di ka kaagad dumating...''

''Ano ka ba? Wala yun. Saka, enough na 'yang thank you thank you na iyan. Your welcome! Your welcome!'' sabay kurot ko sa magkabila niyang pisngi. I can't help na talaga. Nakakagigil kasi ka-kyutan ni Nicco.

Tawa-tawa lang si Nicco. Even his laughs ay mahinhin. Nagdududa na talaga ako sa kanya, huh. Wag naman sana...

''Saang school ka nga pala galing?'' nalaman ko kasi sa kanya na transfer pala siya.

''I'm from Westville High.''

''Huwaaat?! You're from West-- Ibig sabihin super mayaman ka?'' super gulat talaga ako. Kasi naman very popular ang private school na yun for rich people ONLY.

''No...My parents are the one who is rich, not me.''

''Ahhh...'' pa-humble pa eh.

Pero may isa akong napapansin. Pag may dumadaan na lalaki sa harap namin ay sinusundan niya ng tingin. Lalo na kapag cute. Hmm...i smell something fishy!

to be continue...

---------------------------------

A.N.

Ayun, pasensiya na kung short at hiwa-hiwalay ang chapters. Cellphone lang po kasi ang gamit ko sa pagta-type at pag-a-update.

comment po kayo huh..badly need feedbacks :))

-soju-

Girl, Boy, Bakla, TomboyWhere stories live. Discover now