CHAPTER IV---[3.3]

17.1K 488 31
                                    

-=ENZO'S POV=-

SUNGIT naman ni Jenica. Kung di lang talaga siya maganda hindi ko na ito tutulungan sa nawawala nitong memory card eh. Kung tutuusin, wala naman kaming pakialam sa problema nito dahil ito naman ang mismong nakawala noon.

Pero, ewan...There is something special kay Jenica.

Teka nga, boyfriend kaya ni Jenica itong si Nicco? Hmmm...Mukhang hindi naman.

''Okey, we'll help you to find your memory card...'' sa wakas ay nasabi ko rin.

Agad kaming nag-umpisa sa paghahanap. Ako, si Thonie, Jenica at Nicco. According kay Jenica ay tumalsik daw kung saan iyong memory card niya.

Saan naman namin hahanapin iyong ganoong kaliit na bagay sa napakalaking netshop namin?

Hanap. Hanap. Hanap.

Pero inabot na lamang kami ng 7:00 PM ay wala pa rin kaming nakitang memory card.

''Tara na Nicco, uwi na tayo...'' maya-maya ay sabi ni Jenica.

--------------------------------

''ANG ganda talaga ni Jenica, ano kuya?'' sabi sa akin ni Thonie nang nasa kotse na kami at nagda-drive pauwi sa bahay namin.

Actually, pwede namang maglakad na lang kami pauwi kaya lang ang sabi ni mommy, mas safe kung magkokotse kami. Tutal naman ay marunong akong mag-drive.

''Hoy! Kuya!'' untag sa akin ni Thonie.

''Huh? Bakit?''

''Naku namen Kuya Enzo, kanina pa kaya ako nagsasalita dito pero parang nakikipag-usap ako sa hangin. May problema ka ba kuya?''

''Problema? Wala ah,'' sagot ko. ''Ano nga ba yung sinasabi mo?''

''Ang sabi ko, starting tomorrow liligawan ko na si Jenica...''

Natigilan ako sandali.

''Goodluck na lang...''

''Para namang hindi ka masaya kuya eh! Type mo rin ba si Jenica?''

''O-of course not!'' mabilis kong sagot. ''Jenica is yours...to be..'' sabi ko na lang.

Pero bakit parang nanghinayang ako bigla ng sabihin ni Thonie na she'll start courting Jenica?

Tsk!

Mukhang naunahan ako ng kapatid kong tomboy ngayon ah!

to be continue...

vote and comment pls...

Girl, Boy, Bakla, TomboyWhere stories live. Discover now