Lured Sailors

142K 6.3K 2.8K
                                    

Chase's POV

Nakaplay ang starboy by The Weeknd, maraming pole dancers, may mga strippers na humaharang sa dinadaanan namin. Umuulan rin ng pera sa platform ng club.

"Bro. Alam ba ng girls na andito tayo?" kinalabit ko si Dio.

"Hindi." maikli niyang sagot.

"Ayy yun naman pala eh! Lez celebraaaate!" didiretso na sana ako sa isang table nang hinila nila ako pabalik.

Tsk.

"Alam mo kung ano ang pinunta natin dito." bulong niya sa'kin dahilan na mawala ang gana ko sa misyong 'to.

"Tsh. Kahit ilang segundo lang bro. Give chance!" pagmamakaawa ko sa kanila.

Eh minsan lang kami nakakapunta sa mga ganitong klaseng lugar.

Akalain niyo. Nasa basement kami ng isang cruise ship kung saan matatagpuan ang clubs.

Hindi 'to uso sa Academy.


Makapatayo nga ng isang club sa Academy. Ako ang magiging manager nila.

"This is important Chase. We need to finish this immediately." binigyan ako ni Dio ng nakakakilabot na tingin.

"Sus! Immediately? Namiss mo na kaagad si Kara?" siniko ko siya.

Eh halata namang nag-aalala siya kay Kara na kararating lang kaninang umaga. Eager ata na sumama sa mission kaya kahit may bandage sa leeg, kinaya pa ring mag drive patungo dito.

Kamangha-mangha talaga ang isang anak ni Athena.


"Shut the fu-" hindi natapos ni Dio ang buong salita dahil biglang sumibat ang isang waitress na ~ohlalaaaaa....

Maganda.

Sexy.

"Hey boys..." bati niya with those ugh-piercing eyes.

Opportunity na ba'to na ibinigay ng mga diyos?

"Hey..." binaba ko ang tono ng boses ko para mas manly pakinggan. Katulad ng sabi nila, girls like it hot.

Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa. Di ko tuloy maiwasang isipin na parang may mali sa kanya.

Or sadyang mapanghusga lang talaga siya. May kasamang look of disgust kasi yung mga titig niya.

What the. Iniinsulto ba niya ang kagwapuhan ni Chase, demigod, son of Hermes the Great?!

"You want some drinks? Let me get you some-"
"Stop the act. Alam mo kung bakit kami nandito." pinutol ni Dio ang alok ng babae.

"I know. So follow me. There's a secret passage in one of the VIP rooms." as said, sinundan namin siya hanggang sa makapasok na kami sa loob ng dark room. May malaking screen at sa harapang table ay ang mic.

Nagulat nalang kami nang sinarado ng babae ang pinto at pinabayaan kaming apat sa loob.

"It's a trap." bulong ni Cal habang pilit na pinipihit ang knob na ayaw umikot.

"Shit. Anong gagawin natin?!" nagsimula na akong mag panic. Kitang kita naman kasi ang taranta sa mga mukha nila kahit madilim.

Bago pa may makasagot sa tanong ko, nag-off ang karaoke screen kaya tuluyan na ngang nagdilim ang buong room.

Hindi ko gusto 'to.

Buti nalang, may pinalabas na iilang sparks ng electricity si Trev sa buong katawan niya.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon