The Voices

149K 6.8K 3K
                                    

Cesia's POV

Hindi pala kami pinatawag ni Hermes para tulungan si Ria. Pinapunta niya kami kasi kailangan niya rin ng tulong.

Nakakatawang isipin na nangangailangan rin ng tulong ang mga katulad nilang gods.

"You see this staff?" tinaas niya ang staff niyang may pakpak sa dulo.

Magkatulad nga sila ng staff ni Iris kaso may kulang yung sa kanya.

"The Herald's Staff?" tanong ni Kara.

Ayy wait. Herald's Staff. Mukhang alam ko'to. Nabasa ko na'to sa isa sa libro namin sa Academy. The Heralds like Iris and Hermes use this staff. Common ito dahil madalas itong gamitin ng mga mortals bilang symbolo ng medisina. Maaari rin itong isang symbol of commerce associated with the god Hermes, ang nagmamay-ari nito.

"May kulang diba? Obviously. I know you have seen Iris' caduceus." binigyan niya kami ng disgusted face showing his distaste to the goddess.

Nagkaalitan ata yung dalawa. Halata naman.

Inis na inis kasi si Iris noon.

"My staff is quite popular. And I want to keep it that way. But.. look at this..." Hinagis niya kay Kara ang staff niya.

Hindi pa pala bumabalik si Chase at Ria.

Sinamahan kasi siya ni Chase pagkatapos ng all-out battle, para kumuha ng ambrosia sa van.

"Where are the entwining-" hindi pinatapos ni Hermes si Kara.

"Yun na nga!" saka binawi agad ang staff niya. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung kulang ang simbolo ko!" naging dramatic ang boses niya.

Napailing ako. Chase na Chase nga.

"Tell me. What is my purpose in life?" hinawakan niya ang dibdib niya with matching look-away effect.

Nakatingin kami sa kanya na naka poker face. Sanay na sanay na kami sa ganitong scenario.

Masasabi kong mas worse nga lang si Hermes compared kay Chase.

"Looking for them? Sisyphean." puna niya habang nakaharap sa malaking glass walls niya.

Sisyphean?

"Pointless." nabasa ata ni Kara ang mukha ko. "From the tale of King Sisyphus.."

tumango ako.

Kailangan ko na talagang mag review ng Greek Myths at stories.

Buti nalang at nandito si Kara para tulungan akong intindihin ang unfamiliar terms nila. Para lang akong nanonood ng kdrama na walang subtitles.

"I did try looking but I found none so it was of no point.I plan to lure them. I went to Arcadia to search for the entwining snakes. But I did meet Ariethrusa. She told me about a place full of snakes. It is in the mortal realm. Hindi pa ako nakapasok doon. It is said that a lot of creatures live there... I cannot go there, however, so you must bring the snakes here."

Tamad. Yan si Hermes.

Hindi niya kayang hanapin ang dalawang ahas na nakapulupot sa staff niya kaya ngayon, kami ang uutusan niyang hanapin sila saka dalhin dito.

Psh.

"Ano kayang meron sa mga ahas ngayon at hinahanap-hanap sila." ani Art sa tabi ko nakasingkit ang mga mata.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now