New Members

138K 6.1K 1.9K
                                    

Ria's POV

"So that guy is her long lost twin?" tanong ko kay Kara habang pinapanood namin silang dalawa na may pinag-uusapan.

Instead na si Kara ang sumagot, si Cal na mismo ang nagsalita. "Yes..." may halong disbelief ang sagot niya.

"Apollo asked her to look for him afterall." dagdag niya.

Obviously, Cal doesn't trust the guy yet.

"Since childhood friends kayo... do you believe her?" diniretso ko na siya pag tanong.

Magkakilala silang dalawa ni Art noon pa. Kilala rin niya ang kambal ni Art.

Nobody knows their past.

Hindi pa naikwento ni Art sa'min ang nangyari kung pa'no sila nagkita ni Cal... pa'no sila nagkahiwalay ng kambal niya.

"Yes.. I believe her." Tumango ako sa sagot niya.

Art knows her missing half. Imposible naman sigurong magkakamali siya eh kambal nga. They shared the same womb at the same time.

I looked at Kara silently staring at the two.

Naiinip ata. She really frets over Art. When it comes to her, nag-aalala talaga siya ng sobra.

Tinignan ko sina Dio, Trev at Chase na may sariling topic rin.

Napagdesisyunan kong tumayo at maglakad-lakad sa camp kasi na bored ako.

Kusang tumigil ang mga paa ko nang makita ang kasama ni Sebastian.
Jamie ba yun?

Naka squat siya sa harap ng mga remnants ng isang tent. Nakatulala.

Tumabi ako sa kanya. Hindi niya ata namalayang nandito ako. Nakakabingi parin kasi ang katahimikan niya.

"Jamie?" kinuha ko ang atensyon niya pero hindi ito umepekto.

I gave her a nudge. "hi..."

"M-may kailangan ho kayo?" pinunasan niya ang mga luhang di ko napansin kanina.

That look she's giving me...



ngumiti ako saka umiling.

"I know that feeling... losing someone and not having the chance to talk to them for the last time." nagulat siya sa sinabi ko.

Kilalang-kilala ko ang mga mata ng isang anak na nangungulila. Regret and guilt are behind those tears.

Slowly killing yourself kasi wala kang magawa... or wala kang nagawa.

"Hindi ko man lang nasabi kay Mama-"

The word pierced through me.

"But she knew how much you loved her." I don't know but I feel like quoting the words someone told me. The guy whom I hate so much.

"I mean... that's the most important thing right?" tumawa ako ng mahina. "Kahit di nila narinig... naramdaman naman nila yung pagmamahal natin."

Ngiti ng pait ang binigay niya. She knows I feel her pain. Wala akong pakialam kung kaaawaan niya ako.

Dahil mas nakakaawa ang mga taong hindi nakaranas mawalan. Tao man yan o gamit.

Losing someone is a pain that lingers inside you forever. Either you blame yourself or just accept it and live as if you never lost someone...

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon