Epilogue II - The New Beginning

141K 6.4K 2.5K
                                    

A month later...

Cesia's POV

Nagmadali akong tumakbo papunta sa gitna ng Academy.

"The students are gathered inside the hall." narinig ko sa earpiece ang boses ni Kara.

"Shoot." nadapa ako dahil sa pag galaw ng lupa.

Ang araw na magigising ang mga titans.

Binuksan ko ang malaking pinto at nakita ang principal kasama si Thea.

"ready?" tanong niya sa'kin.

Tumango ako.

Kinuha niya ang libro ni Theosese at inilapag ito sa table. "Sabi dito... mailalabas ang totoong anyo ng Academy kapag isang anak ni Aphrodite ang makakabasa sa nakasulat sa pin."

Tumango ulit ako.

Tama. Originally, walang location ang Academy. Walang location dahil hindi ito nakatayo sa lupa. Kundi sa mga ulap.

Yep. The pin says it all. Supposed to be, ang Academy ay nakalutang sa itaas ng bundok na ito. Pero nasa lupa na ito dahil sa pagkawala ni Theosese.

Nakakalipad ang Academy at nabasa ito ni Thea sa libro.

"Together?" aya ng principal.

Pinikit ko ang mga mata ko.

"Alis..."

naputol ang chant namin dahil sa naririnig naming ingay mula sa hall.

Umiling ako. Dapat naming matapos 'to bago pa masira ang lupa na kinatatayuan namin.

"Alis volat propriis."

Hindi ko magawang buksan ang mga mata ko at tuluyan na ngang mawalan ng balanse.

•••

I sighed while watching the red clouds below us.

Cronus, the Titan of time, is already opening an eye and time stopped in the mortal realm two days ago.

Maliban sa mga lugar na may barriers. Hindi sila maaapektuhan sa pagkagising ng titans.

Mamaya, bababa kami para puntahan ang mga huntres.

"Are you still blaming yourself?" tanong niya sa'kin.

Umiling ako.

Nawala na yung view dito sa veranda kaya malungkot ako. Napalitan ito ng mga ulap na kasing kulay ng dugo.

Kinuha niya ang kamay ko. May inabot siya sa'kin kaya tinignan ko ito.

Hmm... eto yung bato ni Astraea. Nasa kanya lang pala ito.

"I kept this so you can use it. You only get one wish." tugon niya.

One wish?

May nabuong idea sa utak ko. Pwede kaya?

I closed my eyes and held the stone tightly.

'Astraea... bigyan mo ng liwanag ang mundo...'

Naramdaman ko ang pag init ng bato. At pagbukas ng mga palad ko, agad itong lumipad pataas.

Siningkit ko ang mga mata ko para makita ng maayos kung saan ito papunta. Napangiti ako nang lumiwanag ang constellation of Virgo.

Tinignan ko ang mga ulap na unti-unting natutunaw dahil sa liwanag na ibinibigay ng constellation.

Naalala ko tuloy si Art at yung butterflies niya...

I sighed.

Atleast.. hindi na madilim ngayon. Humina ang liwanag ng araw. Pero andito naman ang liwanag ng Virgo.

Kitang-kita ko ang patches of green and blue mula sa veranda kaya lumapad ang ngiti ko.

Mas okay pala ang view mula dito.

"You really are something."

I felt my cheeks blush.

"una na tayo bro.." singit ni Chase.

Pupunta sila sa dating village ng mga moirai. Magrereunion daw sila ani Chase.

Binigyan ko siya ng ngiti. "Mag-ingat kayo."

Tinignan niya ako saka tumango.

Bago pa siya sumama sa kanila, narinig ko ang sinabi niya.

"Daughter of Aphrodite."

Natawa ako ng marahan.

"Son of Zeus."


Saka tinuon ang atensyon ko sa mortal realms sa ibaba.

Ilang minuto ng pagmumuni-muni at narinig ko ang boses ni Ria. "Cesia... let's go?"

Napangiti ako pagkatapos makita silang tatlo bitbit ang mga weapons nila.

Tumango ako.

"tara..."

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon