II- Putahe (2.3)

49K 1.2K 51
                                    

Walang nakapagsalita sa kanila pagkakita kay Dara.

Si Jeric ang biglang bumasag sa katahimikan.

''Pare, ganda ng chicks! Ang sarap niyan sa kama!'' malakas na turan ni Jeric at nag-appear pa ito kay Vinz.

Matalim na tinitigan ni Ayanne si Vinz. ''Will you stop Jeric!''

Hinarap naman ni Ayanne si Dara. ''Ah, ako nga pala si Ayanne...Nandito kami para magbakasyon ng mga kaibigan ko,'' nakangiti niyang sabi kay Dara at isa-isa niyang pinakilala ang mga kaibigan sa kanilang bisita.

''Pasok ka muna Dara. We're having a snack...Makisalo ka na sa amin,'' anyaya naman ni Kathy.

Mariing umiling si Dara. ''Wag na, nagtungo lang naman ako dito upang makilala ang mga bagong dating dito sa San Delfin at ibibigay ko sana ito sa inyo. At isa pa katatapos lang din naming magmeryenda ng kakambal ko na si Kara,'' doon lang napansin ng magkakaibigan ang tupperware na hawak ni Dara.

''What's that?'' ani Siri.

''Dinuguan, naparami kasi ang naluto ko kaya naisip kong bigyan kayo...''

Agad na kinuha ni Ayanne ang dinuguan ng iabot ito ni Dara. ''Maraming salamat Dara.''

''Sana mag-enjoy kayo dito sa San Delfin,'' nakangiti pang sabi ni Dara bago ito tuluyang nagpaalam sa kanila.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

''I CAN'T believe na sumama ako dito. Biruin niyo, we have to ride pa sa mabahong barko just to get here sa boring place like this!'' Litanya ni Siri ng kumakain na sila ng hapunan.

Natigilan si Ayanne sa narinig mula kay Siri. Medyo nasaktan siya sa panlalait nito sa lugar na pinagmulan niya pero hindi na niya ito gaanong pinansin.

Napansin naman ni Jeric na corned beef lang ang inuulam ni Winston at hindi ito kumakain ng dinuguan na dala ni Dara.

''Oh Winston, bakit di ka kumakain ng dinuguan? Masarap, you should try it,'' mungkahi ni Jeric.

Akmang lalagyan ni Jeric ng dinuguan ang plato ni Winston pero pinigilan ito ng hulia

''No, ayoko!'' tanggi ni Winston. ''Baka kasi...A-aswang iyong Dara na iyon tapos g-ginagawa pala niyang dinuguan ang mga taong b-binibiktima niya...'' nahihiyang sabi ni Winston.

Dara KaraWhere stories live. Discover now