II- Putahe (3.3)

48.4K 1.2K 178
                                    

Malakas na napatawa ang lahat sa sinabing iyon ni Winston.

''Stop being paranoid Winston. Kalalaki mong tao, matatakutin ka!'' Pang-aasar ni Siri na sinundan ng tawanan ng lahat.

Kinuha naman ni Vinz ang dinuguan at ibinuhos iyon sa plato ni Winston.

''Ayan...! Try mo yan pare. Nakakain ako ng eyeball kanina sa dinuguan na yan!'' hinalo-halo pa ni Vinz ang sabaw ng dinuguan sa kanin ni Winston.

Nanlalaki ang mga matang napatayo sa kinauupuan si Winston at nagtatakbo ito papunta ng lababo at doon ito sumuka.

Nagtatawa namang nag-appear pa sina Jeric at Vinz sa naging reaksyon ng matatakutin nilang kaibigan.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

MAG-ISANG kumakain ng hapunan si Dara sa napakalaking lamesa ng tawagin niya si Yaya Minerva.

''Yaya Minerva, bakit wala dito si Kara? Pakitawag naman siya sa kanyang silid...'' utos niya.

''Senyorita Dara, wala po--''

Malakas na naihampas ni Dara ang kamay sa mesa. Humigpit ang pagkakahawak niya sa fish knife sa kanyang kamay.

''Wag mong sabihing wala na namang ganang kumain ang aking kapatid?!'' nanlilisik ang mga matang sigaw niya. ''Kaya nga ako nagluto ng paella dahil alam kong paborito niya ito!''

Takot na takot na nakamasid lang sa kanya ang katulong. Kumuha si Dara ng kutsara at tinikman ang paella.

''Masarap. Dapat itong matikman ni Kara!'' Kinuha niya ang tray ng paella at tinungo niya ang silid ng kapatid.

Nakita niyang umiiyak sa isang sulok si Kara kaya naman marahas niya itong hinila palabas ng kwarto nito.

Nang nasa bungad na sila ng pintuan ay saka niya kinausap si Kara.

''Totoo ba ang sinabi ni Yaya Minerva na wala ka na namang gana sa pagkain?! Hindi mo ba alam na pinagluto pa kita ng paborito mo?'' inilapag niya sa sahig ang tray at dumakma ng paella.

''A-ate Dara, ayaw ko talagang kuma--'' hindi na naituloy ni Kara ang sasabihin dahil pinasakan ni Dara ng paella ang bibig ng kapatid. Paulit-ulit niya iyong ginawa hanggang sa mapaiyak na si Kara...

''Yan ang mangyayari sa'yo kapag sinuway mo pa ako!'' turan pa ni Dara...

-=-=-=-=-

ITUTULOY!

Dara KaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon