IV- Lihim (1.3)

46.8K 1K 29
                                    

IV- Lihim

PAGGISING nina Jeric at Vinz ay nakita nilang lumuluha si Winston habang nakaupo ito sa kama.

Natatawang binato ng unan ng dalawa si Winston.

''Anong iniiyak mo diyan pare? Nakokonsensiya ka ba sa ginawa natin kagabi? Langya ka, eh ikaw nga 'tong nakadami kagabi! Hahaha!''

Pinahid ni Winston ang mga luha sa kanyang mga mata at pisngi. ''Nakokonsensiya lang naman ako eh. Saka natatakot akong makulong...Nagawa ko lang naman 'yun dahil naka-drugs lang naman ako. Siguradong magsusumbong sa mga pulis iyong kakambal ni Dara!''

Natigilan ang dalawa sa sinabi ni Winston. Tama ito, maaaring magsumbong ito dahil buhay pa at wala lang itong malay ng iwan nila ito sa gubat.

''Tara! Babalik tayo sa gubat baka nandun pa iyong babae!'' ani Vinz.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

NABITIWAN ni Dara ang hawak na tray ng almusal ng makita niyang magbibigti si Kara sa kwarto nito.

Dadalhan niya kasi ng espesyal na almusal upang humingi ng tawad sa nagawa niyang pananakit dito.

''Kara!!!'' at mabilis na nilapitan niya ang kapatid at pwersahang ibinaba ito sa kinatatayuang bangko.

Magkayakap ng natumba ang dalawa sa sahig.

''Ano bang nangyayari sa'yo Kara?! Bakit ka magpapakamatay?! Iiwan mo na ba ang ate!''

Tigam sa luha na sumagot si Kara. ''Binaboy nila ako ate! Huhuhu...!'' humahagulhol na sabi pa nito.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

GUSTO ng manghina ng tatlong lalaki pagdating nila sa lugar kung saan nila ginahasa iyong babae. Wala na ito doon.

Sa pagtingin ni Winston sa lupa ay isang bagay ang nakaagaw ng kanyang pansin. Kumikislap ito sa tama ng sikat ng araw.

Pagdampot dito ni Winston ay doon niya napag-alaman na isa iyong hikaw na letter ''K'' ang disenyo.

''P-pare, alam niyo ba ang pangalan ng kakambal ni Dara?'' tanong niya.

''Namumroblema na nga tayo aalamin mo pa ang pangalan ng nirape natin kagabi!'' sagot ni Vinz. ''Ang mabuti pa bumalik na tayo ng Manila. Kailangang makatakas na tayo dito ngayon din!''

''Iiwan natin sina Ayanne?''

''Wag sila ang isipin mo Winston! Tara na!''

Dara KaraWhere stories live. Discover now