V- Punyal (3.3)

45.9K 1.1K 102
                                    

''May problema ka ba Winston?'' tanong ni Karen dito.

''K-karen, kaya mo bang magtago ng sikreto?'' turan ni Winston.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

''ANG brutal naman ng pagkakapatay diyan!'' ani Ayanne habang nakatakip ang kamay sa ilong.

Isang patay kasi na usa ang natagpuang patay nila di-kalayuan sa talon. Napaka-brutal ng pagkamatay nito. Wakwak ang parteng tiyan nito na parang ilang ulit na pinagsasaksak ng isang punyal.

Tinakpan na lamang nila ang naturang hayop ng mga dahon at damo upang kahit papaano ay hindi iyon umalingasaw.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

ALA-SINGKO na ng hapon kaya naghahanda na ang lahat para gumawa ng tent. Nakatuwaan kasi nilang mag-camping para masulit ang bakasyon nilang iyon.

Pagsapit ng gabi, habang naghahanap ang tatlong ng mga kahoy na gagamitin nila mamaya sa bonfire ay sinabi ni Winston kina Jeric at Vinz na ipinagtapat na niya kay Karen ang nagawa nilang kasalanan.

''Put*ng ina mo pare! Bakit may pinagsabihan ka?!'' sabay suntok ni Jeric kay Winston.

Dumudugo ang ilong na bumagsak si Winston. Susuntukin sana itong muli ni Jeric pero mabuti na lamang ay mabilis itong naawat ni Vinz.

''Pare, tama na! Walang kwenta kung papatulan mo ang tangana 'yan!''

''Sorry pare...Hindi na talaga kaya ng konsensiya ko...'' nakayukong sabi ni Winston.

''Pag tayo sumabit Winston, eto tandaan mo...Papatayin kita! Papatayin kita!'' pagbabanta pa ni Jeric.

MULA sa di-kalayuan, lingid sa kaalaman ng tatlo ay may isang babaeng nakamasid sa kanila. Nagtatago ito sa matataas na puno sa kakahuyan.

Nagpupuyos sa galit ang damdamin ng babae at may hawak siyang isang matalim na punyal.

''Ikaw ang una kong papatayin...Papatayin ko kayo! Uubusin ko kayong lahaaat!'' sigaw ng babae sa kanyang sarili.

ITUTULOY!

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

ISA KINA WINSTON, VINZ AT JERIC ANG UUNAHIN NG BABAE...

SUSUNOD NA ANG KAMATAYANG HINDI NANAISIN NG KAHIT NA SINO!

Dara KaraWhere stories live. Discover now