IV- Lihim (2.3)

45.3K 1.1K 29
                                    

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

''NASAN na 'yung van?'' nagtatakang turan ni Jeric ng makita nilang wala sa garahe ang van nila.

Balak na kasing bumalik ng tatlo sa Maynila upang magtago.

''Shit! Paano tayo nito makakaalis kung wala tayong sasakyan!'' ani Vinz.

''Aalis? Bakit kayo aalis?''

Sabay-sabay na napalingon ang tatlo sa nagsalita sa kanilang likuran. Tila natuklaw ng ahas ang tatlo ng malaman na si Dara pala iyon.

''Saan kayo pupunta?'' tanong ulit ni Dara ng hindi sila sumagot.

''Ah...Eh...'' nauutal na turan ni Winston.

Binatukan agad ito ni Jeric. ''Ah, aalis nga kaming tatlo. Pupunta kasi kami ng bayan...May bibilhin lang kami,'' pagsisinungaling pa nito.

''Ganun ba?''

''Oo, ganun na nga...'' ani Jeric. ''By the way, nasaan nga pala iyong...kakambal mo Dara? Bakit parang hindi namin siya nakikitang lumalabas ng mansion?''

Tumingin muna sa mansion bago nito sinagot ang tanong ni Jeric. ''Mahiyain at hindi sanay makisalamuha sa tao ang kakambal ko. Mahilig siyang mag-isa at maglihim ng mga bagay-bagay...''

''Mahilig magtago ng lihim? M-may naikwento ba siya sa iyo kagabi o kanina?'' namumutla na sa kaba na tanong ulit ni Jeric.

''Wala naman...Bakit, may kailangan bang sabihin ang aking kakambal?''

''Ah wala naman,'' kunwari'y natatawang sabat ni Vinz at mahina nitong tinapik sa balikat ang kaibigan. ''Curious lang kami kung magkamukha kayo''

Ngumiti si Dara. ''Kung malaki ang pagkakaiba ng ugali namin ay ganun din sa aming mga hitsura. Kambal kami pero hindi kami magkamukha...Oo nga pala, kailangan ko ng bumalik ng mansion. Mag-iingat kayo ha!''

Paalis na sana si Dara ng tawagin ito ni Winston. ''Sandali lang Dara! Ano nga pala ang pangalan ng kakambal mo?''

''Kara. Kara ang pangalan niya,'' pagkasabi noon ay tuluyan ng umalis si Dara upang bumalik na sa mansion.

Habang minamasdan ni Winston ang papalayong si Dara ay kinapa niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang hikaw na napulot niya sa lugar kung saan nangyari ang panghahalay.

'Kara...Patawarin mo kami' usal niya sa sarili.

Dara KaraWhere stories live. Discover now