V- Punyal (1.3)

47.4K 1K 26
                                    

V- Punyal

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

MAAGA pa lamang ay abala na sina Ayanne sa paghahanda para sa picnic nila sa araw na iyon.

Sa isang talon sa gitna ng gubat ang balak nilang puntahan.

''Teka, na-marinate na ba iyong iba-barbecue natin later?'' tanong ni Ayanne habang nilalagay niya sa loob ng isang tupperware ang mga sandwiches.

''Kanina pa Ayanne. Wait, i think we should bring some of these...'' at ipinakita pa ni Karen ang dalawang bote ng alak.

Napahalukipkip at buntunghininga muna si Ayanne bago sumagot. ''I don't like the idea Karen pero...sige na nga! Minsan lang naman 'to eh,'' sabay ngiti.

''Teka, where are the others? Bakit tayong dalawa lang ang nagpapakahirap dito, Ayanne?''

''Hay naku, iyong tatlong boys andun sa labas. They're talking while Siri is outside too. Naghahanap yata ng phone signal...''

''Didn't you tell Siri na dead spot dito? Ang kulit talaga ng babaeng iyon! So brat at di ko alam kung bakit natin siya naging kaibagan''

''Just try to understand her, Karen,'' ani Ayanne.

''Ano pa nga ba?'' natatawa na lang na sagot ni Karen.

At masayang pinagpatuloy ng dalawa ang ginagawa.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

PABABA na sana si Dara ng hagdan ng makita niya ang isang malaking painting na nakasabit sa dingding sa gilid ng hagdan.

Painting iyon ng mga magulang nila ni Kara na sina Don Raymundo at Donya Caridad. Tila buhay na buhay ang mga ito sa naturang painting...

-------------------

FLASHBACK...

-------------------

TAONG 1992...

PATUNGO ng kusina ng araw na iyon ang elegante at sopistikadang si Donya Caridad ng marinig niyang may nag-uusap sa loob ng kusina.

Hindi muna siya pumasok sa loob bagkus ay pinakinggan niya ang pag-uusap ng dalawang babae...

''Nakakatakot talaga si Donya Caridad ano? Parang may sira sa ulo!'' anang unang boses na kanyang naulinigan.

''Tama ka dyan Selya! Baliw na talaga ang donyang iyon!'' sagot naman ng isa.

Hindi na nakatiis ang donya at nagpakita na siya sa dalawang nag-uusap na katulong.

''Sinong sinasabi niyong baliw?!''

Dara KaraWhere stories live. Discover now