Is It Still Safe Online?

438 28 9
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Naaalala mo pa ba ang unang beses na sumali ka sa kahit anong social media sites?

Naaalala mo pa ba noong sumali ka sa Facebook, naging prayoridad mo bang lumobo ang bilang ng friends mo? 'Yung kahit sino ay i-aadd mo o kaya naman ay agad mong ina-accept ang friend requests nila? O ikaw ba 'yung simula pa lamang ay pribado na at mga kakilala lamang ang kinakaibigan online?

Tanda mo pa ba ang pinaka-una mong post? Ang unang post na ibinahagi mo sa iba? Ang mga laro na sinalihan mo at ang sandamakmak na game invitations na ikinakalat mo sa iba? Sa tanang mga taon na ginamit mo ang Facebook, alam mo pa ba ang mga bagay na ibinahagi at ikinubli mo sa mundo?

Ilang beses ka nang binati ng mga kaibigan at mga kakilala mo sa iyong kaarawan? 'Yung kumpletong bati na, "Happy (insert age) birthday to you!" 'Yung bati na puno ng sinseridad at hindi umasa sa paalala at anunsyo ng Facebook? 'Yung tipong, saka ka lamang naaalala kapag may espesyal na okasyon (o baka o kung may kailangan sa'yo. Kung hindi naman kaarawan, maaaring iba't ibang okasyon kasama o 'di kaya ay patungkol sa kasintahan mo, sa matalik mong kaibigan, sa mga kamag-anak mo, sa mga alaga mo, at kung anu-ano pa.

Nakakasigurado ka ba na walang kaakibat na panganib ang pagpo-post mo online?

Ilang beses ka na bang pumindot ng iba't ibang links dahil nakuha ang atensyon mo mula sa headlines at mga larawan? Ilang beses ka na naniwala sa mga balitang iyon? At ilang beses mo na rin ba itong ibinahagi sa iba? Gaano ka nakakasigurado na ligtas ang pagbubukas sa mga ito?

Ang daming tanong, 'di ba? Pero simula lang 'yan sa limpak limpak na mga katanungan na mapapa-isip ka o kaya naman ay matatawa ka sa mga naalala mo.

Our information is very valuable. Too valuable na hindi natin namamalayan ay nagagamit na natin sa maganda at hindi magandang paraan. Maaaring tayo mismo ang nagdadala sa ating mga sarili sa kapahamakan. At hindi lamang ito sa Facebook, maging sa ibang social media platforms ay ineexpose natin ang mga sarili natin kaya't kahit sino ay may kakayahan na gamitin ang ating pagkatao sa masamang paraan.

In this modern age and high-tech time, napakarami ang gumagamit sa kanilang mga smartphones gaya ng paggamit nila sa mga computer noon. Everything is within a touch and swipe. Kung dati, call and text lang, ngayon ay iba na. We can do a lot more from installing and using social media apps, to paying with our linked accounts in our phones.

At sa lahat ng mga ito, maaaring consistent tayo sa email pero... paano sa password?

Pare-pareho ba ang ginagamit mong passwords? Kailan mo huling pinalitan ang password mo? Unique ba ito at mahirap hulaan? Kailan mo huling inupdate ang secret questions mo? Activated ba ang 2-step-verification sa email mo?

"Pinapahirapan mo lang sarili mo kapag ganyan kadami ang kailangan mong gawin," ilang beses ko na itong narinig. Pero sinasabi ko sa kanila na, "kung ayaw mong nahihirapan ka sa pag-login at sign in, baka hindi rin mahirapan ang iba na magnasa na nakawin ang pagkatao at ibang confidential na bagay tungkol sa'yo."

Alam naman natin na hindi perpekto at hindi 100% na safe ang paggamit ng Facebook at ibang social networking sites, so why don't we change our ways? Bakit hihintayin mo pa na ma-notify ka na may sumubok na i-hack ang account mo? Or worse, kapag na-hack ka na at nagamit na ang pagkatao mo para sa masama at maling gawain?

Baka hindi mo alam na ang password mo ay kabilang na sa listahan ng most commonly used passwords gaya ng 111111, password, qwerty, 012345, birthdays, at kung anu-ano pa. So, why don't you consider changing your ways now?

Paano?

Maraming online sites ang nagrerekomenda na gumawa at gumamit ka ng isang "strong password." Paano? Mainam na gumamit ka ng magkahalong letters, numbers at symbols (kung allowed ito sa site). Minimum na 6 characters at bukod pa dito, maraming password ay case sensitive kaya maganda na maghalo ka ng uppercase at lowercase letters.

Halimbawa, sa halip na "bigbadwolf", you can alter it into, "B1gb@dw01f". Or better yet, make a password that doesn't really make sense (especially to other people) but you know you will always remember like "seecargarlic" which you can enter as "s33c@rg@rl1c". It doesn't really make sense pero maaalala mo kasi it would stand out in your mind.

Having the 2-step-verification is a good idea to set up rin. And make sure your "secret questions" are really secret.

The online world may not be the safest place on the planet but that doesn't mean we can't make any difference. Why wait when you can make the positive change and be a good influence to other online users now?    

#makeITsafePHWhere stories live. Discover now