#makeITsafePH Writing Contest

73 8 0
                                    

Kasabay ng pagtakbo ng oras ay ang patuloy na paglago ng pagbabago sa ating komunidad. Kasabay rin nito ay ang hindi kasiguraduhan kung ligtas pa rin ba tayo sa modernong mundo ng teknolohiya. Kahit sa simpleng pag-seseguridad ng ating mga online identity ay nagiging isang pagsubok sa atin. Ang akala natin na sapat na pagseseguridad at kaalaman ay maaaring pa pala nating mapalago.

Upang mabigyan ng karagdagang kamalayan at kaalaman ang mga kabataang Pilipino, inilunsad ang #makeITsafePH campaign na hatid ng nagkaisang samahan ng Globe at Wattpad.

At kaugnay nito, may writing contest ngayon sa Wattpad at iniimbitahan kayo ng Globe at Wattpad na makiisa sa paligsahang ito! Kung ikaw ay manunulat na may Wattpad account, residente ng Pilipinas, edad 13 taong gulang pataas sa oras ng pagpapasa, at may malawak na imahinasyon upang lumikha ng isang orihinal na akda batay sa napili mong paksa, sali na!

Para sa buong detalye ng #makeITsafePH writing contest, pumunta sa link na ito: https://my.w.tt/7VzygIOJLS o kaya naman ay bisitahin ang AmbassadorsPH.

Sali na!

#makeITsafePHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon