Keeping Our Guard

61 17 1
                                    

Safety and security -- we all want that

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Safety and security -- we all want that. But not everyone is lucky to have it.

Some are lucky but choose not to exercise it. And some are lucky enough to have it and will do their best to improve it more.

Halimbawa na nito ay ang pamimirata ng mga pelikula. Aminin natin na nakaka-enganyo nga naman dahil kung hindi man libre ay hindi kasing mahal ng orihinal. Bakit ka pa nga naman magbabayad kung may libre naman mapa-Facebook or sa YouTube? Bakit ka pa magbabayad kung hindi ka sigurado na magugustuhan mo ang papanoorin mo?

Ang daming nagsasabi na sinusuportahan nila ang mga pelikulang ito sa ganoong paraan. Talaga nga ba? Talaga nga bang sinusuportahan at nasusuportahan sila sa ganoong kalakaran? O para ito sa self-satisfaction?

Maging sa online story-telling. Bilang manunulat, ayaw natin na may mangongopya ng ating mga likha kaya’t naghahanap tayo ng mga website at apps na kung hindi man imposible ay napakahirap naman na mananakawan. Isa na rito ang Wattpad na hindi makokopya ang mga storya sa paggamit lamang ng copy at paste… pero sa taong gustong mangopya, maraming paraan kahit hindi ito tama.

Pero sa perspective ng isang tao na talagang sinisigurado ang kanyang seguridad sa online community, nagiging bahagi na ito ng kanyang sistema. Nasasanay s’ya na magbasa ng mga Terms of Service (kasama na kung paano ginagamit at pinapangalagaan ng website ang impormasyon n’ya), Community Guidelines, at identity verification (e.g. strong passwords, security questions, two-step-verification, etc). Sila ang mga tao na willing magtagal sa paglo-log in, basta alam nila na secured talaga sila. Sila ‘yung maraming security features ang mobile phones at gadgets para lang mapanatag sila na walang magnanakaw ng kahit anong impormasyon patungkol sa kanila.

At dahil hindi naman nga 100% safe ang internet at mangyari ang hindi inaasahan na may magtangkang mag-hack sa kanila, alam nila kung ano ng gagawin at kinakailangang baguhin.

#makeITsafePH

#makeITsafePHWhere stories live. Discover now