Change

49 17 0
                                    

Change

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Change.

Change is a scary thing. Aminin na natin. Kahit anong klaseng pagbabago ay may maganda at nakakatakot na nagagawa sa atin. Mapa-online or offline man, lagi tayong nahaharap sa mga bagay na talagang pakakaisipan natin.

At kagaya nito, maging sa pang-araw-araw nating gawain ay nahaharap tayo sa iba't ibang desisyon. We try to cut our way to get to the top. We try to do the easier ways. But... is the easier way safer?

Halimabawa, alam natin na illegal ang pagkuha ng video ng mga pelikula at pagbabahagi nito sa social media. Pero bakit may gumagawa pa rin? At bakit may mga tao na tinatangkilik ito? Na hindi lamang papanoorin kahit napakababa ng kalidad pero ida-download din. Bakit may mga naglalakas loob na gawin ang mali? 

Isa pang halimbawa ay sa Wattpad, kapag tinanggal na ng author ang story nila dahil sa naging pisikal na libro na ito (at nasa kontrata nila), madaming nalulungkot at nadidismaya na hindi na daw nila mababasa ang storya ng libre at hindi naman sila makakabili.

Pero biglang may susulpot na mga kopya ng storya na 'yon. Maraming natutuwa at susuportahan ang nagbahaging ito samantalang maraming magagalit sa ginawang pangongopya. Natural na dapat itong i-report. Ngunit bakit madami rin ang tumatangkilik sa ganitong kalakaran? Bakit marami pa rin ang gumagawa nito?

"Para 'to sa mga hindi makabili ng libro."

"Para sa sarili ko lang naman."

"Hindi lang naman ako ang gumawa."

Napakaraming dahilan pero ang bagsak ng mga katanungan ay "tama ba ang ginagawa mo?" Naisip mo ba na kung paano kung ikaw ang nasa posisyon nila? Matutuwa ka ba kung may ibang tao na kinopya ang mga likha mo? Naisip mo rin ba na puwede kang mapahamak sa ginagawa mo? Hindi lamang sa mata ng ibang tao pero maging sa batas.

We want change but we're afraid of change.

Kung gusto natin na pagbabago, bakit hindi natin simulan sa mga sarili natin?

#makeITsafePH 

#makeITsafePHWhere stories live. Discover now