Being "Harmless" Online

229 21 14
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Gaano ka kadalas mag-post o mag-share online? Sobrang dalas ba? O sobrang dalang?

Ikaw ba ay isang tao na ibinabalita sa lahat ang nangyari sa araw mo? Kasama na dito ang matinding emusyon na nararamdaman mo patungkol sa sarili mo, sa ibang tao, o 'di kaya naman ay sa isang pangyayari? O kapag may okasyon ka lamang nagpo-post?

Ibinabahagi mo rin ang bawat lugar na pinupuntahan mo, mga pagkain na kinakain o ginawa mo (kahit na simpleng prito o nilabong itlog pa ito), mga tao na nakakasalamuha mo, o 'di kaya naman ay mga nakakaaway o inaway ka? Ipinaparinig mo rin ba sa mundo ang mga hinaing mo about sa politics, religion, at maging entertainment scoops?

Gaya sa una kong sinulat, ang impormasyon natin ay napakahalaga. Sa panahon ngayon, iilan na lamang ang hindi gumagamit ng social media sites. Madami sa atin ang gumagamit ng cellphone hindi lamang sa simpleng tawag at text pero para sa marami pang bagay. Videos and picture-taking, sending and receiving emails, games and workout apps, even dating apps, you name it, the mobile phones may have it.

Social media is convenient. Napakalaki ng pakinabang natin dito. We can connect to our loved ones, meet new people, share our thoughts and save our memories.

Pero marami din ang umaabuso sa paggamit nito. Halimbawa, may sakuna o kalamidad na nangyari sa Pilipinas (o kung saan mang bahagi ng daigdig). Sa iyong palagay, maganda ba ang pagpo-post ng biro o kahit anong sarkastikong kumento kung may mga nabiktima ng kalamidad? Higit lalo kung may mga namatay sa trahedya?

Paano kapag nainis ka sa boss mo sa trabaho, kung anu-ano ba ang sasabihin mo upang maglabas ng nararamdaman? Tapos saka mo lang mapapagtanto na kaibigan mo pala ang boss mo kaya may mga ending na hindi natin gusto.

Isa pang halimbawa, may kaibigan ka na nag-post ng larawan at nagkumento ka na "ang taba/chubby mo na" o kaya ay "sobrang payat mo na. Para kang patpat." Siguro wala kang masamang intensyon sa birong iyon at tinawanan na lang din ito ng sinabihan mo dahil 'magkaibigan' naman kayo. Pero lingid sa kaalaman mo, may pinagdadaanan na s'ya at hindi na kumakain ng maayos. Umabot sa ginugutom na n'ya ang kanyang sarili at ngayon, dahil sa kumento mo, ay dinidibdib na n'ya ito gaya ng ibang nakakasamang loob na mga salita mula sa iba.

Maraming magsasabi na "freedom of speech" lamang iyon at wala silang masamang intensyon sa kanilang pahayag. Magkaibigan naman kasi kayo kaya walang masama?

Pero wala nga ba?

Dito puwede nating gamitin ang third law of motion ni Newton na "for every action, there is an equal and opposite reaction." Sa kontekstong ito, sa segundo, minuto o oras na pindutin mo ang "post" o "share" button para makita ng publiko, may gusto kang matanggap na mga kumento at reaksyon. At sa totoo lang, gusto mo na pabor ito sa'yo kahit na posibleng sa mata ng iba ay mali ito.

"We can't please everyone." Totoo. Iba-iba ang pamantayan at kaisipan ng tao. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay sapat na gawing dahilan na "tao lang ako at nagkakamali". Kailangan bang may pumuna na ibang tao bago mo isipin ang ginawa mo? Kailangan bang makasakit ka muna bago mo namnamin ang mga binitawan mong salita?

Totoo rin naman na hindi natin kailangan ang pagtaggap ng lahat ng tao sa paligid natin. Ginagawa natin ang ginusto nating mangyari. Pero dahil sa lawak ng mundo ng social media, ang totoong kuwento ay napakadaling lokohin at ikalat pa.

In reality, anything we post online won't be completely removed. Kahit na i-delete natin ang isang bagay o impormasyon, it will forever be in the internet. Hindi natin alam kung posibleng may nakabasa na nito (at nakuhanan ng screenshot) at balak na pasikatin ang kanilang sarili para sa kuwento na puwedeng magpahiya sa pagkatao mo.

This is why we should: "think before we click. Think before we post." Ilang sandali lamang ang kinakailangan mo sa pagsagot ng ilang katanungan: ano ang pakay/dahilan ng post mo? Upang magbahagi ng positibong pananaw sa iba o upang saktan ang sarili mo o ang ibang tao?

If your aim is to share positivity, inspiration, and motivation, go for it. The world needs more acceptance, empowerment, and love from each other.    

#makeITsafePHWhere stories live. Discover now