Chapter 9

285K 11K 1.4K
                                    

HINILA ako sa pulso ni Rix sanhi para mabitawan ko ang baso na may beer. At dahil nahihilo na ako, madali na para sa kanya nang hilahin niya ako palayo sa mesa kung saan naroon sina Kevin at ang iba ko pang mga katrabaho.


Tigagal lang ang lahat sa inasal niya. Lahat sila ay na-estatwa habang nakatingin sa amin. Napatayo si Kevin mula sa pagkakaupo pero wala naman siyang ginawa. Para bang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.


"S-saan mo ko dadalhin?" Pumreno ang mga paa ko. Inilagay ko ang buong bigat ko sa aking paa para pigilan siya sa paghila sa akin.


"What the hell are you doing?!" singhal niya sa akin. "Do you even know what time it is? Gawain ba 'yan ng isang babae? Gabing-gabi na nasa inuman ka pa?!"


Tinitigan ko siya nang masama. Black jacket na may mataas na kwelyo ang suot niya. Magulo ang kanyang buhok na para bang ginulo ng isang magaling na hair stylist. Kung hindi ko siya kilala ay baka mapagkamalan ko siyang isang modelo ng isang mamahaling motor bike.


"A-ano bang pinagsasasabi mo? S-sino ka ba sa akala mo para sermunan ako?" Napanguso ako.


"I'm your professor, Martina." Lumikot ang asul niyang mga mata. "Like what I said, I'm your second parent."


Kinuha ko ang pulso niya at tiningnan ang mamahalin niyang relos. "Sa umaga lang kita professor. Gabi na, kaya manager na kita ngayon."


"And as a manager, I must keep my people safe. And you're one of my people, kaya may karapatan akong sermunan ka."


Pinaningkitan ko siya ng mga mata habang nakatingala ako sa kanya. Humalukipkip ako habang sinusuri ko ang kanyang mukha. "So, bawal akong mag-inom?"


"Huh?"


"Bawal akong gabihin sa pag-uwi. Bawal akong ma-late sa klase."


Umigting ang kanyang panga.


"Ano pa ang mga bawal, ha?"


Hindi siya kumibo. Tumingin lang siya sa akin, at pagkatapos ay hinila na niya ulit ako sa pulso. Halos magkandatalisod ako dahil kulang na lang ay kaladkarin niya ako sa daan.


Dinala niya ako sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto nito at inilagay niya ako sa passenger's seat. Isinara niya ang pinto, umikot papunta sa driver's seat, at doon naupo. Hindi ko alam kung bakit nakatitig lang ako sa kanya nang mga sandaling ito. Nagtataka ako sa mga ikinikilos niya. Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang mga sitwasyon. Ngayon ko lang napagtanto na parang pinaghihigpitan niya ako.


"I don't like that look," aniya nang hindi ako nililingon. Kahit di siya humarap sa akin, alam niya na nakatitig ako sa kanya.


Napalunok ako bago ko naisipang sabihin ang isang tanong. "M-may gusto ka ba sakin?"


"No way in hell." Umalon ang kanyang Adam's apple.


"Eh, bakit ka ganyan umasta? Daig mo pa ang boyfriend ko, ah!" Iyong boyfriend ko nga ay walang pakialam sa akin, 'tapos siya na di ko naman boyfriend ay ganyan.

The Wrong One (BOS: New World 2)Where stories live. Discover now