Chapter 13

306K 12.8K 3.4K
                                    

"Oh, ano na naman 'yang tingin na 'yan?" puna ko kay Gracia nang mapansin ko na may kakaiba na naman siyang tingin sa akin. Kakatapos lang ng klase. Palabas na kami ng university at papauwi na.


"Anyare sa inyo ni Prof M? Magkaaway ba kayo?" May naglalarong issue sa mga mata niya.


Inirapan ko siya. "Ano ba 'yang tanong mo?" pagmamaang-maangan ko.


"Nakakapagtaka lang kasi, 'insan. First time ka niyang hindi tinawag sa recitation kanina. Isa pa, hindi ka rin niya magawang tingnan kapag may discussion siya. Ano bang nangyari?"


"Walang nangyari." Nagpatiuna na ako sa paglalakad.


Hinabol na lang niya ako ng buntong-hininga.


Magulo pa rin ang isip ko mula kagabi matapos aminin sa akin ni Rix na gusto niya ako. Hindi ko alam ang aking isasagot dahil sa gulat. Nanunubok lang naman kasi ako, hindi naman ako umaasa. Akala ko ay mapapa-walk out siya, o kaya ay magagalit at sasabihing hindi niya ako type, pero hindi ganoon ang nangyari. Walang ganoong nangyari.


Para akong sinabugan ng bomba dahil sa hindi ko inaasahan na pagtatapat niya. Windang na windang ako na ganoon na pala ang sitwasyon. Na ganoon na pala ang gusto niyang mangyari. Gusto niya na akong gawing girlfriend niya!


Hindi ako makapaniwala. Hindi kasi talaga kapani-paniwala! Siya si Rix Montenegro ay nahulog sa alindog ko? Sure ba siya? Hello, hindi ako maganda, cute lang!


Ang hirap paniwalaan. Iniisip ko na lang na baka may maitim siyang plano. Akala niya yata mahuhulog ako sa patibong niya. Hinding-hindi ako papatol sa kanya kahit gaano pa siya kaguwapo.


Tinalikuran ko siya at iniwan nang mga oras na iyon. Wala rin naman kasi akong isasagot sa kanya. Eh ano kung gusto niya ako? Ano naman kung gusto niyang maging girlfriend ako? Haler? Taking na po ako.


Wait. Hindi ba taken?


May boyfriend na po ako. Hindi kumo't maganda ang bughaw na mga mata ni Rix ay magugustuhan ko na rin siya.


Hindi porke't may mahaba siyang pilikmata, mapulang mga labi, matangos na ilong, magandang katawan at matangkad ay mai-in-love na rin ako sa kanya. Kahit pa lahat ay napapalingon sa kanya sa tuwing kasama ko siya, crush ng bayan at pantasya ng iba, pangarap mapangasawa ng mga kaklase ko, kinakikiligan ng taksil kong pinsan, ay hinding-hindi ko siya puwedeng maging boyfriend. Kahit pa ba ubod siya ng yaman, hindi ko pa rin ipagpapalit si Marlon.


Napakamot ako. Teka nga! Bat ba mas pinupuri ko siya kaysa sa boyfriend ko?


Ah, basta! Hindi talaga pwedeng mangyari ang gusto niya. Hanggang taken ako, mali kahit isipin na magiging puwede kaming dalawa.


....


NAKAYUKO lang ako habang palakad-lakad si Kuya Maximus sa harapan ko. Siya nga pala iyong kuya kong juding.

The Wrong One (BOS: New World 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon