Chapter 14

285K 10.9K 2.3K
                                    

PAGPASOK ko sa sala ng bahay nila Marlon ay ang kapatid niyang teenager na si Shena agad ang aking nakita. Nineteen ito. Nakaupo ang babae sa sofa. May kinakalikot sa mga kuko. Nilalagyan nito iyon ng kung anu-anong disenyo.


Nabalitaan ko kasi na na-dischange na si Marlon sa ospital kaya dito na ako sa bahay nila dumeretso. Dischange nga ba o discharge? Saka na lang daw siya ibabalik sa hospital kapag ooperahan na. Ang kaso ay hindi pa sila pool paid sa bill nila sa hospital—Full paid yata.


Kaya problema pa rin ang bayarin nila roon. Kaya suhestiyon ng doktor na iuwi na lang muna habang naghihintay ng cash para sa operasyon.


Umangat ang mukha ni Shena nang maramdaman ang aking presensiya. "Oh, Ate Martina! Nandito ka pala! Andoon si Kuya Marlon sa kuwarto niya!"


Tinanguan ko ito. Naglakad na ako paakyat sa second floor ng bahay nila, papunta sa kuwarto ni Marlon. Nakakailang punta na ako rito sa kanila kaya feel-at-home na ako. Okay naman ang pamilya ni Marlon, isa sa mga bagay na nagpapabalik sa akin dito. Feeling ko kasi, pamilya ko na rin ang pamilya niya.


"Magandang araw po," bati ko sa nanay ni Marlon nang makasalubong ko. Si Tita Minnie. Mahigit sikwenta na ang edad. Pustoryosa dahil may kaya sila dati. Galing siya sa kwarto ni Marlon.


"Mabuti at nandito ka na. Kausapin mo 'yong anak ko para malaman mo kung paano ka makakatulong." Pawisan ang leeg niya. May dala siyang planggana.


Nanghina ako sa sinabi ni Tita Minnie. Mula nang maaksidente si Marlon, kasama na siya sa nagbago ng pakikitungo sa akin. Hindi man siya sobrang bait noon, kahit paano ay hindi naman siya ganito magsalita dati. Ngayon ay kapag nakikita ako ay napapasimangot siya agad. Kapag nagsasalita siya, aakalain mong lagi siyang nilalamangan sa gawain. Iyong tono ng pananalita niya ay para bang laging nanunumbat.


Nang malampasan niya ako, pumasok na ako sa nakaawang na pinto ng kuwarto. Naroon si Marlon na nakatanaw sa kawalan. Humarap siya sa akin. Parang hindi siya masaya na makita ako. "May pera ka ba riyan?"


Yumuko na lang ako. Kaya ngayon lang ako nagkalakas ng loob na pumunta ay dahil sa wala nga akong pera. Ang natatabi ko ay sapat lang para sa aking budget na pangkain ngayong linggo.


"Martina, tatlong buwan lang ang ibinigay na palugit sa amin ng hospital para bayaran ang bill." Walang buhay ang kanyang boses. "Kailangan na ring maoperahan agad ng paa ko. Ayaw naman lumapit nina Mama sa PCSO o mga politiko. Syempre nga naman, nakakahiya ang manghingi ng tulong sa iba."


Hindi ako makatingin sa kanya. "G-gagawan ko ng paraan. Ako ang lalapit sa mga politiko o kahit saan na puwedeng makahingi ng tulong para—"


Napasabunot siya sa kanyang buhok. "Tangina. Kailan pa yang paraan na sinasabi mo?!"


Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Marlon, ginagawa ko naman ang lahat. Hindi ko lang talaga mapagsabay-sabay dahil may trabaho rin ako. Alam mo naman na nangungupahan na ako ngayon, dagdag pa na nag-aaral din ako—"


Tinabig niya ang kamay ko. "Napapagod na ako, Martina. Hanggang kailan ako mararatay dito? Wala na kaming makain. Sa katapusan bayaran na naman ng tuition ni Shena. Paano 'yon? Paano mo gagawan ng paraan 'yon?"

The Wrong One (BOS: New World 2)Where stories live. Discover now