Chapter 30

32.7K 1.5K 182
                                    

MABUTI na lang at bumukas ang malaking gate ng mansion. Dahil kung hindi, aakyatin ko ito at lulundagin makatawid lang sa kabila. Kailangang kong makausap si Rix. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya.


Kakatok pa lang ako sa bakal na pinto nang bumukas ito. Iniluwa ng pintong ito si Madam Aviona, nanay ni Rix. May inihagis siyang susi sa akin.


Nasalo ko iyon. "P-para saan po ito?"


"You know how to drive?"


Umiling ako. Ibinato ko ulit iyon pabalik sa kanya at nasalo niya. "Get in." Sabay bukas niya sa pinto ng isang mamahaling kotse.


Binuksan ko ang pinto ng kotse at naupo sa passenger's seat. "S-saan po tayo pupunta?"


"You're here because you wanna talk to him, right?" Pihadong si Rix ang tinutukoy niya.


Tumango ako.


Binuhay niya ang makina. "We have to hurry." Pagkatapos ay pinaharurot niya ang sasakyan.


"B-bakit po?"


"He has a flight tonight papuntang London. Sana maabutan pa natin siya."


Bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya. "P-po?" Ang ibig sabihin, kapag hindi namin siya naabutan ay hindi ko na siya makakausap pa kahit kailan.


"This is the first time he had done something like this," ani Madam Aviona habang nakatutok ang mga mata sa kalsada.


Ikuwento ni Madam Aviona na marami ang nagbago kay Rix. Madalas na raw itong umuuwi sa kanila ngayon. Hindi ito palakibo pero nitong nakaraan, nagugulat na lang daw sila na kusa itong nabubukas ng paksa. Nakikinig lang naman ako. Nanalangin kasi ako sa aking isip na sana nga ay maabutan namin sa airport ang anak niya.


"He's already watching TV with his father. He talked about you a lot kapag nagkakasalubong kami."


May kung anong pitik sa loob ng dibdib ko ang mga narinig.


"But these past few days, nagkulong lang siya sa kuwarto. Then he decided to stay in London for a year. Ngayon lang siya nagkaganyan."


Napaluha ako sa sinabi niya. A year? Hindi ko yata kakayanin kung hindi ko siya makikita ng isang taon. "B-bilisan po natin."


Napangiti si Aviona matapos tapakan ang gas ng sasakyan. "We're lucky dahil patay na si Merdie. You don't have the idea kapag andun tayo sa sasakyan niya."


"Po?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.


"Don't mind me."


Tumutok ang paningin ko sa daan. Nagdarasal ako na sana ay lumipad nalang itong sasakyan. Inaalala ko iyong mga nasabi ko kay Rix. Iyong mga masakit na nasabi ko sa kanya na pinagsisisihan ko na. Kung bakit naman kasi ang tanga ko pa. Bakit kasi ang boba boba ko? Bakit ako nagpadaig sa selos ko?

The Wrong One (BOS: New World 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon