Chapter 01.2 Tim

20 1 0
                                    

MAY KAKAIBANG PAKIRAMDAM na ibinibigay sa akin ang pagtakbo. Ang pagtalon sa mga dingding at pader. Masaya. Malaya.

 
Bilang bunso sa pamilya ay hindi lumilipas ang isang araw na maririnig mo ang pangalan mo nang paulit-ulit.
“Tim!” kapag may iuutos.
“Tim” kapag may itatanong.
“Tim” kapag maingay ka.
“Tim” kapag tahimik ka.
“Timothy!” kapag pagagalitan ka.
“Tiiiiimooooothyyyyyyy!” kapag pagagalitan ka nang may kasamang pamalo.

 
Tim, takbo lang. Hindi ka nila mahahabol. Pagtakbo ang solusyon sa lahat ng problema. At kapag pagod ka na ay aakyat tayo sa bubong ng mga kapitbahay at doon magpapahinga.

 
Takot ako sa dilim pero hindi sa matataas na lugar. Mula sa taas ay lumiliit ang mga bagay na malalaki. Mula sa taas ay natanaw ko ang pagparada ng putting van ni La na nangunguha ng mga bata para itakas palayo sa mga malulupit na magulang. Kahit sa sandaling panahon lang.

ELDRITCH RISINGWhere stories live. Discover now