Chapter 01.3

25 1 0
                                    

“TODAY, WE WILL create history!” proklama ni Dr. Wolfram habang ihinahanda ang higanteng apparatus sa loob ng kanilang laboratoryo.
Nagkakamayan ang mga scientists at sponsors ng proyekto.

 
AGRAVA, o Anti-GRAVity Accelerator. Isang state-of-the-art na makina na ang layunin ay alisin ang gravity sa isang lugar upang pagaanin at palutangin ang mga bagay. Kung magiging matagumpay ang proyekto ay magbibigay ito ng maraming advancement sa sangkatauhan tulad ng artipisyal na paglipad at mas pinadaling pagbubuhat ng mabibigat na bagay.

 
Hindi maitatago ang ngiti ni Dr. Green habang tinitingnan ang larawan ng kaniyang pamilya na siya niyang inspirasyon sa trabaho. Ang kaniyang asawa at ang dalawa niyang mga anak. Sayang lamang at hindi sila puwedeng dalhin sa trabaho.


Istriktong ipinagbabawal ang mga bata at outsiders sa loob ng laboratoryo dahil lubhang mapanganib at sensitibo ang mga eksperimento rito. Tipikal na sa Parachute Corporation na magsagawa ng mga “top secret” science projects na nagdala sa kanila sa rurok ng tagumpay sa industriya ng teknolohiya, kaya’t hindi nila papayagan na sirain ng mga “ignorante” ang kanilang operasyon.


Subalit ayon nga sa Murphy’s Law: anything that can go wrong will go wrong.


Lingid sa kaalaman ng lahat ay nakapuslit ang pasaway na anak ni Dr. Wolfram sa loob ng laboratoryo noong araw na iyon. Hindi magkasundo ang mag-ama dahil sa impluwensiya ng ina ng bata. Lumaki itong nagtatanim ng sama ng loob.


Himalang nakalagpas ang bata sa DNA-based filter system ng gusali dahil sa palpak na pagkaka-program sa security feature na ito. Tuloy ay kinilala ng AI ang bata bilang pangalawang Dr. Wolfram na gumagala sa loob ng facility, napapasok ang alin mang silid na nais pasukan.
Ilang minuto bago buksan ang apparatus ay nakapasok ang bata sa loob ng test room.


Three… Two… One…


Pagkaandar ng AGRAVA ay sinimulan nga nitong alisin ang gravity sa loob ng silid at nagsilutangan ang mga nasa loob. Huli na nang mapansin ng mga scientists ang lumulutang na bata.


Dahil nga nasa control room ang totoong Dr. Wolfram at sa tingin ng AI ay nasa test room din siya ay nagkaroon ng system error ang buong system.


Sinubukan nilang patigilin ang AGRAVA subalit itinuring ng AI na isang “access breach” si Dr. Wolfram. Sa halip na tumigil ay kumalawala ang anti-gravity force mula sa silid. Sinakop nito ang buong gusali at ang mga karatig lugar. Hanggang sa nagdulot ang pagliparan ng mga bagay sa mitsa sa electrical wires at humantong sa isang malaking pagsabog.


Pagkatapos ng aksidente ay sinimulan ng Parachute ang clean-up sa lugar. Pinalabas nilang maliit na aksidente lamang ito, subalit ang totoo ay nawala ang gravity ng buong earth sa loob ng ilang segundo.


Maraming mga teorya kung ano ang mangyayari kung sakaling maganap nga ang ganoong bagay. Ilan sa mga teorya ang nagsasabing kumukonekta nang direkta ang kuryente sa utak ng tao sa electromagnetism ng daigdig kapag nangyari ito.


Kabilang sa mga iilang nakaligtas sa pagsabog sina Dr. Green at Dr. Wolfram na parehong isinailalim sa matinding memory alteration ng Parachute upang maitago ang kapalpakan nila sa AGRAVA.


Mula sa epicenter ng pagsabog ay muling nabuo ang bata mula sa maliliit na mga piraso ng nagkalasog-lasog niyang katawan. Nagbago ang kulay ng kaniyang balat: sukdulang itim na ito na tila ba nasunog nang ilang beses subalit hindi naabo. Palutang-lutang ang bata sa paligid ng nasirang laboratoryo hanggang sa tumigil siya upang pulutin ang isang pirasong papel gamit ang kaniyang isip.


Pagkasuri ng bata sa papel ay bigla itong naglaho kasabay ng panandaliang pagkawala ng electricity sa buong mundo.


Naiwan sa gitna ng mga lumulutang na debris ang litrato nina Lily at Tim.

ELDRITCH RISINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon