Chapter 02.1 Tim

6 0 0
                                    

MASIYADONG MATULIN MAGPATAKBO ng van si La para sa isang matanda. Kaskasera. Kaya naman siya ang pinakagusto ko sa lahat ng lola ko.

Hindi rin ito alintana ni Lily. Tahimik lamang siyang nagbabasa ng libro. “The Captives of Witch Hill” ang pamagat.

Bigla akong natuksong agawin ang libro mula sa kaniya. Hinablot ko ito at wala na siyang nagawa. Habang nagpupumiglas siyang kunin ito ay binuklat ko ang panghuling pahina at binasa ang katapusan ng kuwento.

“Hansel and Gretel ate the witch. The end.”

Napasigaw nang malakas si ate na siya naming ikinataranta ni Lola. Bigla niyang pinahinto ang van sa gilid ng kalsada. Tumitig siya sa aming dalawa sa salamin. Iyon na ang katumbas ng pagtanong niya ng “Bakit?”

“Si Timmy kasi, Lola, ini-spoil niya ‘yong librong binabasa ko!” pag-iinarte ni Lily.

Lumingon si La sa amin at tumitig sa akin. Ngumiti ako nang kita ang lahat ng ngipin. Hindi siya nagsalita. Muli niyang pinaandar ang sasakyan.

Alam ko na ang ibig sabihin nito. Wala akong dessert mamayang hapunan.

ELDRITCH RISINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon