CHAPTER 7

1.8K 52 3
                                    

Geo Terrence Lim POV

kunot noo akong bumangon sa kama ko dahil sa inis parang limang minuto lang akong natulog dahil sa kakaisip sa sinabi ng nerd na yun kaya dumeretso na lang ako sa banyo para maligo.

Ilang oras ang lumipas nang may kumatok sa kwarto ko.

" Iho gising ka na ba?"-  tawag ni manang saakin.

" Opo manang palabas na"

"Abay mabuti kong ganun. Nakahanda na ang agahan mo at bilisan mo na jan"- saad pa nya.

Diko na sinagot si manang at binilisan ko nalang ang pag kilos.  Haysst buti pa talaga si manang lagi kong nakakasama eh sila dad ayun nasa america busy sa business.

Pag dating ko sa kitchen ay pinagsilbihan  na ako ni manang.

" Abay napuyat ka ata terrence"- anya pa nya.

" wala to manang "

" Ikaw bata ka itigil mo na yang ginagawa mo at sarili mo lang ang ipinapahamak mo"

" I can handle myself manang. Besides hindi rin naman ako umuuwi ng may pasa"-naka ngiting saad ko. Ganito talaga ako pag si manang ang kausap ko dahil itinuring ko na syang ikalawang ina at mas inalagaan nya ako ng mabuti mula pa nung bata ako dahil wala rin naman syang asawa at sa madaling salita matandang dalaga.

"At kailan ka titigil aber? Pag may galus ka na at mga pasa?"

" Pag may Girlfriend na ako manang"- saad ko at sabay kindat.

" Abay paano ka makakahanap nyan eh natatakot ang mga babae sayo dahil mas suplado ka pa sakanila"- suhityo pa nya

" Manang di ba kayo naniniwala sa mukhang to?"- sabay turo ko sa mukha ko. " Swerte ang babaeng una kong mamahalin manang "

"Sana ang mahanap mong babae ay yung mas suplada pa sayo para naman maranasan mo yang ipinag gagawa mo ... bilisan mo na jan at baka ma late ka na"- anya pa nya at tinalikuran ako.

Matapos kung mag almusal ay nag paalam na ako kay manang at sumakay na sa paborito kong kotse na chevrolet Corvette stingray na regalo ni dad saakin. Habang nagmamaneho ako ay inabutan ako ng red light kaya minabuti ko nalang na huminto kesa maki pag habulan nalang sa mga traffic enforcer. Bigla ay may pumantay sa akin na itim Ferrari  at bumusina sya ng tatlong beses na signal na  naghahamon sa isang karera kaya bumusina naman ako ng tatlong beses. Mga ilang minuto ang hinintay namin bago mag go kaya naman nang mag green light ito ay agad kong inarangkada at mabilis itong pinaharurot.

She's a Secret Mafia Leaderحيث تعيش القصص. اكتشف الآن