CHAPTER 57

1.2K 35 1
                                    

Geo Terrence POV

"Congrats Terrence"  bati ng mga kaibigan ko.

"Engineer Geo Terrence Lim" saad ni Nathan na kunwaring may binabasa.

"Mga gago! Ano nalang kayong mga businessman" sabay iling ko at nag tawanan naman kami.

"Don't worry ikaw ang kukunin kong Engineer para sa future house namin ni Aira" ani Nathan.

Hapon na nang makarating ako sa lugar na lagi kong pinupuntahan. Inilapag ko ang dala kong bulaklak at nagsindi ng kandila. Naupo ako at marahang pinunasan ang malamig na lapida.

Ilang taon na ang lumipas pero parang kahapon pang magkasama pa kami na lagi kong kinikulit pag pinupuntahan ko siya sa opisina niya.

Pinahid ko ang mga luhang marahang lumalandas sa pingi ko.

"Baby, I miss you" mahinang bulong ko at hindi na napigilan ang pag bagsak ng mga hula ko." Tss.. don't be mad at me baby.. h-hindi ko l-lang k-kayang pigilan"

Hindi ko alam kong paano ko nakakayang bumango sa bawat araw na hindi ko nasisilayan ang mukha niya. Nung mga panahon na sinabi ni Dexter na nakita niya si Crystal sa france ay parang tumigil ang mundo ko. Hindi ako maka pagsalita at hindi hintay ang mga reaksyon nila. May parte sa akin na baka si Crystal nga yun pero sa tuwing napapadpad ako dito, gumuguho ang pag asa ko.

"Baby, may kasalanan ba si Dexter para multohin mo? Sana ako nalang ang minumulto mo hindi yung mga kaibigan ko..para ka tuloy tanga sa ginagawa mo.. ako kaya itong gustong makita ka tapos hindi ka sa akin mag papakita!" Biro para maibsan ang pangungulila sa kaniya."yung totoo may gusto ka ba sa mga kaibigan ko?" Mahinang tawa ko.

Hinawakan ko ang bawat letra ng pangalang nakaukit sa lapida. Pinasid ko ang mga luha sa aking pisngi at huminga ng malalim.

"Baby,I love you" bulong ko at dahandahang tumayo.

Pinagmasdan kong ang puntod niya habang pinapakiramdaman ang bawat haplos ng hangin sa aking balat. Pumikit ako ng mariin bago dumilat. Muli akong yumoko para makita ang pangalan niya saka ngumiti at tumalikod.

Habang naglalakad ako papunta sa kotse ko ay may nakita akong nakayung babae sa silong ng puno sa di kalayuan. Naka suot ng plain black t-shirt with jacket at dark jeans. Ang kaniyang mukha ay hindi masyadong nakikita dahil sa cap niya at sa nakalukay niyang brown hair. Nakapamulsa ang kaniyang kamay sa jacket niya habang nakatiningin sa gawi ko. Kumunot ang noo ko dahil kilos niya. Naglakad ako papalapit sa kaniya. Malayo pa man ako ay napatigil na ako sa paglalakad ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito saka sinagot.

"Hello" sagot ko at bumaling sa babae. Kumunot ang noo ko ng wala na siya sa kaninang tinatayuan niya.
Nag palingalinga ako para hanapin siya pero wala na akong nakitang nag lalakad bukod sa akin.

Tumindig ang balahibo ko nang maalala ang kaninang biro ko sa puntod ni Crystal. Bumaking ako sa gawi ng puntod niya at pumikit. Baby wag naman dito sa sementeryo.

"Hoy! terrence nakikinig ka ba?" Sigaw ni kurt.

"Ano ba kasi yun unggoy?" Tanong ko at nag simula ng bumalik sa kotse ko.

"Mamayang gabi na ang opening ng bar ni Dexter.. dapat nandon tayong lahat"

"Gago alam ko yun!" Singhal ki saka pumasok sa kotse.

"Nasaan ka ba?"

"Nasa condo" pag sisinungaling ko.

"Gago walang tao sa condo mo"

She's a Secret Mafia LeaderKde žijí příběhy. Začni objevovat