Chapter 28

1.4K 45 0
                                    

Geo Terrence  POV

Friday morning kaya maaga akong nagising para maka paghanda sa school. Maaga din akong natulog dulot ng malaking inis kay crystal anne na hindi ko rin naman alam ko ano.

Pagka baba ko ay sumalubong saakin si noona na naka upo sa sofa at nag babasa ng magazine. Dumeretso ako sa kitchen at naabutan ko si manang na naghahanda ng almusal kaya hinablot ko ang tinapay at kumuha ako ng freshmilk sa ref at nag salang ako sa baso.

Mabilis akong natapos mag breakfast kaya agad kong hinablot ang bag ko na naka patong sa table.

" Alis na ako " paalam ko saka lumabas ng bahay at pumunta ng garahe. Pinag masdan ko pa ang dalawa kong kotse saka nag disisyong na yung chevy na lang ang gagamitin ko.

Pagdating ko sa parking lot ay nakita ko kaagad si tristan na nakaupo sa semento habang hawak ang labi niya kaya mabilis akong lumabas sa kotse ko.

"Tristan" tawag ko saka lumapit sa kanya at tinulungan ko siyang makatayo.

"Pinag bigyan ka na namin bwisit ka pero anong ginagawa mo wala diba...tapos ngayon ibinigay mo pa ang number ko doon sa unggoy mong kaibigan kingina mo tristan." Sigaw sakanya ni aira kaya nag taka akong tumingin sa kaniya.

"Pwedi ba aira alam ko ang ginagawa ko kaya manahimik ka.. at yung number mo ba? Malay ko ba don na may gusto pala siya sayo"  iritadong saad ni tristan kaya lalo akong nag taka. Ng bumaling ako kay aira ay napailag ako bigla ng suntukin na naman niya si tristan at napa upo agad ito sa semento sa lakas.

Babae ba to? Alakas naman niya.

"Putcha aira nakakadalawa ka na a" sigaw ni tristan saka tumayo at pinunasan ang labi niyang pumutok..

"Alam mong hindi lang yan ang aabutin mo pag si queen ang napuno sayo.. wag mong hintayin na siya ang kumilos tristan alam mo ang kaya niyang gawin.. lalo nat nasa paligid lang siya " ani aira sa umalis..

Bumaling akong muli kay tristan at nakito ko na naman ang pagka wala ng ekspresyon ng mukha niya na kanina lang ay iritadong iritado.

" anong ibig sabihin nito?" Seryosong tanong ko pero parang wala lang sakanya." Tristan anong meron sa inyo ng babaeng yun?"

"Wag mo ng alamin... wala namang kwenta yun" anya saka iniwan ako sa parking lot.

Agad akong sumunod sakanya pero dahil sa bilis niyang mag lakad ay nakalayo na ito sa akin.

May hindi pa ba ako nalalaman tungkol sa pag katao ni tristan?
Nitong mga nakaraang araw mas naging tahimik at seryoso na siya kumpara sa dati.

She's a Secret Mafia LeaderWhere stories live. Discover now