Chapter 29

1.4K 41 2
                                    

Someone's POV

"Kung hindi kayo makalusot sa mga Beunavista aba doon tayo sa madali mga inutil" sigaw ko sa mga tauhan ko.

"Sa panong madali boss?"

"Ang anak ni Alvares Montefalco ang gagawin magiging pain natin sa mga Beunavista"

"Pano tayo makakasiguro na tutulungan nila yun?" Tanong ng inutil kong tauhan.

"Simple lang naman yun mga bobo, hihingi na naman ng tulong si Alvares sa leader ng Buenavista at alam kong binabatayan ng mga Buenavista ang mag amang yun" saad ko habang hawak hawak ang wine glass saka biglang may kumatok.

"Ano na naman ang nangyari sayo Carl?" Tanong sakanya ng isa sa tauhan ko.

"Boss.... si..si ...Sir -" hindi niya natapus ang sasabihin niya ng putulin ko ito.

"Direct to the point Carl"  saad ko saka nilapag ang wine glass.

" Si Sir Elthon hawak ng mga buenavista" saad niya na ikinagulat ko.

"What? But the buenavista is here?"

"Boss si Samantha Ferrer ang may hawak kay sir Elthon sa texas"

"Shit! Kahit kailan lagi akong naiisahan ng anak niya"  saad ko saka sinenyasan ko ang mga tauhan kong lumabas maliban sa kanang kamay ko pati si Carl at ipinaliwanag ang magiging plano na pag kidnap sa anak ni Alvares.

"Nathan Montefalco? nag aaral yan sa International University na pag aari ng mga Lim."  Paliwanag ni Carl

"Alam ko na yan carl kaya kailangan nating mag ingat dahil nandon ang dalawang Buenavista na si Aira at Risha" saad ni Van kaya bigla akong napaisip.

Kung nandon ang dalawang yun hindi imposibleng nandon din ang queen na yun dahil alam kong hindi humihiwalay ang dalawang yun.

" Bantayan niyo rin ang dalawang yun dahil sigurado akong nandon din si Queen" utos ko sakanila.

"Tama nga kayo jan boss dahil hindi humihiwalay ang dalawang yun kay Queen" ani Van na sinang ayunan ni carl.

"Bact to work" saad ko saka sila umalis.

If ever na may mangyaring masama sa anak ko, You will pay for it Queen.




She's a Secret Mafia LeaderWhere stories live. Discover now