CHAPTER 56

1.1K 34 0
                                    

Aira POV

Habang pinag mamasdan ko si Terrence ay hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.

Bawat hikbing pinipigilan niya ay ramdam na ramdam ko. Tumingin ako sa mga kaibigan niyang walang magawa kundi pagmasdan lang siya.

Hindi ko alam kung paano nakakayanan ni Anne ang pangyayaring ito. Wala man lang siyang ginawa para mabago ang utos ng kaniyang ama.

Nag luluksa siya sa bagay na hindi naman dapat. Alam kong subrang sakit para sa kaniya ito. Pero lahat ng bagay ay may hangganan. Alam kong makakabangon din siya.

Sinulyapan ko si Risha na hindi man lang matingnan si Terrence. Isa pa to. Hindi man lang pinigilan si Anne.
Hindi ko masikmura ang panloloko namin kay Terrence.

"Hindi ko akalain na mararanasan niya ito" malungkot na saad ni Kurt habang nakatingin sa kaibiga.

"He should be brave" ani Tristan. Na wala ring kaalam alam sa nangyayari.

"You think he can move on?" Biglang tanong ni Timothy. Nang baling ko siya ay naka tingin si kay Risha. Kumunot ang noo ni Risha at inirapan siya.

"Don't talk to me" pag iinarte niya.

Umiling nalang ako at pinagmasdan si Terrence na nakayoko pa rin sa lapida at patuloy ang pag taas baba ng kaniyang balikat.

_________________

Risha POV

"This is so hard Anne.... everytime he went here in mansion and entered to your room... Damn I feel so guilty" paliwanag ko Anne nang tawagan ko siya.

"Just stick to the plan Rish"

"Kung nakikita mo lang ang paghihirap niya... everytime na kaharap niya kami pinipilit pa rin niyang ngumiti.. like ayaw niyang kaawaan siya...one time na napadaan ako sa kwarto mo dinignadinig ko ang hikbi niya.."

She sighed loudly.

Nang matapos ang usapan namin ay lumabas na ako sa kwarto. Pagka baba ko ay nadatnan kung nag uusap si Aira at Nathan sa sala. Kumunot ang noo ko sa kasama nila na nakalalukipkip pa at naka taas ang kilay habang nakatingin sa akin. Napairap nalang ako at nag tungo kusina.

Pagkalapag ko ng pitsel ay mga yabag ng paa ang narinig ko. Sinamaan ko ng tingin ang lalaking papalalit sa akin.

"Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka nalang!" Saad ko at ibinaba ang basong hawak ko.

"Come on Rish wala akong ginagawang masama" anya at sinubukang hawakan ang siko ko pero agad kong inilayo.

"don't touch me! You flirt.." paratang ko sa kaniya.

Kung alam ko lang na ganito siya kalandi ay hindi ko na siya sinagot. Dumagdag pa sa problema ko ang malanding to. Kahit saan lugar sa I.U puro mga babae ang kasama niya.

"Oww..don't be jealous Darling" anya saka hinigit ang bewang ko papalapit sa kaniya."may tinatanong lang sila sa akin and I don't want to be rude to them"

"Lumayo ka nga!" Sabay tulak ko.

"Minsan naiisip kong ikaw yung lalaki sa ating dalawa...kahit gaano kalakas ang hawak ko sayo, isang tulak mo lang nakawala ka na" anya

"Kasalanan ko bang ang hina mo?"

He smirked."Darling may ilalakas ako sa ibang bagay" sabay kindat niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa sanabi niya. Marahan kung inilagay ang kamay ko sa likod at dahandahang kinuha ang baril saka tinutok sa kaniya.

"Shit! Rish ibaba mo yan" anya habang naka taas ang dalawang kamay.

"Ano nga ulit yung sinabi mo?" Taning ko sabay kasa.

"I'm just kidding darling... please put it down" pag mamakaawa niya.

"Hindi ka nag bibiro kanina eh.. ano nga yun?"

"Anong-"

Napatigil sa pagsasalita si Nathan na kakapasok lang sa kusina nang makita niya ang hawak ko.

"Rish hindi magandang biro to" kabadong ani Nathan.. "Gago ano bang ginawa mo?"

"Lumabas ka kung ayaw mong madamay" baling ko sa kaniya na agad namang humakbang paalis.

"Rish ibaba mo na yan.."pagmamakaawa ni timothy.

"Pasalamat ka mahal ko ang mga bala ko" sabay balik ng baril sa likod ko.

"Mahal mo lang talaga ako darling" anya saka niyakap ako.

Nang matapos ang Final exam namin ay nanatili ako sa mansion. Minsan ay binibisita ko ang C.A hotel.

Sa mga nagdaan araw ay hindi ako tumigil kakasubaybay kay Terrence. Sa isang linggo ay dalawang beses siyang pumupunta sa sementeryo.

Sa bawat punta niya dito sa mansion ay lagi siyang nag kukulong sa kwarto ni Anne. Hinahayaan nalang namin siya sa kung anong gusto niyang gawin dahil yun din ang sinabi ni Anne sa amin. Sobrang sakit sa dibdib habang nakikita siyang nag luluksa at patuloy niya itong tinatago sa mga ngiti niya.

Mag iisang taon na nung umalis si Anne. sa mga araw na nakakausap ko siya ay wala masyado siyang sinasabi. Tanging isang buntong hininga lang ang ginagawa niya sa mga sinasabi ko sa kaniya.

Alam kung mahirap para sa kaniya ang ginagawa niya. Minsan na rin siyang dinala sa hospital dahil sa kakulangan sa pag tulog. Minsan ay pumunta ako ng pasekreto sa madrid para tingnan siya. Sa huling bisita ko sa kaniya ay muntik na siyang sumama sa akin pauwi.

___________________

Aira POV

Tahimik akong nakatingin kina Tristan na nag lalaro ng billiard dito sa mansion. Nagyaya si Nathan dahil gusto niya daw matuto ng billiard.

Naka upo ako sa sofa nang mapabaling ako sa pintuan ng bumukas ito. Pumasok si Risha kasunod si Terrence.

Naging abala sila sa pag bibilliard nang tumabi si Risha sa akin. Tahimik naming pinapanuod ang ginagawa nila ng biglang mag salita si Dexter.

"It's not like naniniwala ako sa multo pero nung pumunta ako last week sa france, parang nakita ko si Anne" anya

Napabaling agad ako kay Terrence na nanatiling nakatingin kay Dexter. Tiningnan ko si Risha at nag kibit balikat agad siya.

"I'm just eating at restaurant that time then bigla nalang siyang tumayo sa isang table doon sa loob... nang makalabas na siya agad akong tumayo para sundan sana but wala na siya doon"  paliwanag ni Dexter.

"Baka namalik mata ka lang " saad ni Timothy.

"Gusto kong maniwala na namalikmata lang ako pero naulit yun nung nasa isang coffee shop ako.. papasok na sana ako ng makita ko siyang pumasok sa isang kotse"

Nanlamig ako sa kinauupuan ko habang nakikinig sa mga sinasabi ni Dexter. Bakit ang careless niya. Pag ako napadpad sa madrid sasabunutan ko talaga ang babaeng yun.

_________________________________
___________________________

She's a Secret Mafia LeaderWhere stories live. Discover now