CHAPTER 18

1.5K 45 0
                                    

Crystal Anne POV

Isang linggo akong hindi pumasok para dumalo sa ibat ibang underground business kasama si Dad habang si mom naman ay siya ang nagpapalakad ng mga company namin. Maging sila risha ay naging busy rin masyado dahil may ibinigay din si dad sakanila na trabaho kaya pareho kaming hindi nakapasok at kumukuha lang kami ng module sa school para hindi kami mahuli sa lesson nila.

Araw araw ay ibat ibang tao ang nakakasalamuha ko kasama ang aking ama ngunit wala ni isa sakanila ang nakakakita ng buo kong mukha dahil sa suot kong maskara. Bata pa man ako ay ganito na ang aking ginagawa para hindi pakilala ng ibang tao at tanging queen lang ang alam nilang pangalan ko.

Sa ibang transaksyon namin ay hindi naiwasan ang mag karoon ng engkwentro dahil sa mga traydor na katransaksyon.

"Siguro naman tapos na lahat ng ipinapagawa mo dad?" maawtoridad  kong tanong na ikinangiti niya.

"Ganyan nga crystal. Wag mong walaing ang awtoridad sa bawat pananalita mo. At maging kayo risha at aira" papuri niya " pupunta kami ng texas para dalawin ang alaga ni samantha at sa ngayon ay pwede na kayong bumalik sa pag aaral niyo"

"Tss" singhal ko sakanya saka inirapan.

" And last! Itigil niyo ang pag bili ng mga sports car. Tingnan niyo nga yung garahe niyo hindi na nagkakasya ang mga kotse niyo." Dagdag niya pa pero tumayo na ako at sinenyasang sumunod sila risha saakib saka umalis sa sala.

" we have to go. And don't ask us" saad ko at tuluyang umalis.

Agad kaming lumabas sa mansyon at tinungo ang garahe ng mga kotse pero bago ako maka pasok sa kotse ko ay nagsalita si aira.

" So after this ibabalik mo na naman ang nerd na anne?" Tanong ni aira.

" what do you think?" Mataray kong tanong pero nag kibit balikat lang siya bilang sagot kaya bumaling ako kay risha na papasok na sa kotse niya." Sayo nalang ako sasakay rish" sabi ko at tumango lang ito saka pumasok sa loob.

Naging tahimik ang byahe namin ni risha at mabilis kaming nakarating sa Mall na pupuntahan namin.

"Hintayin muna natin si aira" biglang saad ni risha habang kinakalas ko ang seatbelt ko.

Matapos ang paghihintay nami  kay aira ay pumasok na kami sa C.A mall na pag aari rin namin.

Habang naglilibot kami ay napagdisisyonan namin mag coffee  muna.

"Emm anne yung susuotin natin bukas ng gabi ay pinakuha ko na kay nate" saad ni aira matapos ang pag higop niya sa kape niya kaya tumango lang ako.

Habang hinihipan ko ang kape ko ay tahimik akong tinitignan ni risha na nagtatanong kung ano ba ang susuotin ko bukas.

"Well about the thing is i have to wear a mask first so they don't recognize me. O di kaya hindi na lang ako mag susuot ng mask then simple dress lang" kibit balikat kong saad kay risha kahit wala itong sinasabi.

She's a Secret Mafia LeaderWhere stories live. Discover now