CHAPTER 6

346 39 1
                                    

6

"Bitawan mo nga ako ghorl," matinis ang boses na reklamo ni Treyton kay Atarah pero isiniksik lang lalo nito ang sarili sa binata.

Hindi rin kasi nito maintindihan ang kanyang sarili lalo na nitong mga nagdaang araw. Ewan niya, pero gusto niyang lagi siyang nakayakap kay Treyton. Nagsimula 'to nung binisita nila ang kanyang parents. After that, all she wants is to just keep herself in Treyton's arms.

"Bitaw sabi, isa!" Banta nito.

Binitawan naman agad siya ni Atarah at sa inis nito, tinulak niya ito. Ayun, sumadlak siya sa couch. Bahala siya dyan.

"Yakap lang e. Damot." Nagtatampong saad ni Atarah at nagmamaktol na umakyat ito papunta sa kanyang kwarto.

"Treyton talaga oh. Alam mo namang buntis yun e. Baka ikaw pinaglilihian nun. Huwag mo nga siyang pagdamutan sa yakap mo." Suway naman ni Mandy kay Treyton nang makita nito ang pag-akyat ng babae sa hagdan.

Nung makapasok si Atarah sa kwarto, padabog niyang isinara yung pintuan. Naiinis talaga ito kay Treyton. Yakap lang naman e. Anong masama sa yakap? Pakadamot. Nung humiga na ito sa kama, nagtalukbong ito ng kumot at 'di niya mapigilang humikbi. Naiinis kasi talaga siya kay Treyton.

"Atarah," boses ni Treyton. Hindi nito namalayang sinundan pala siya nito.

Kita mo 'tong baklang 'to, hindi talaga marunong kumatok. Hindi pa rin niya ito kinikibo hanggang sa maramdaman niya ang paglubog ng kutson sa gilid niya.

"Sorry na. What do you want ba kasi?" Malambing na tanong ng lalaki.

"Ayoko sa'yo. Umalis ka rito." Mas lalong humikbi si Atarah at mas lalong hindi niya maintindihan ang sarili niya.

Bakit ba siya nag-iinarte? O parte ito ng pagbubuntis niya? Ganito ba talaga kapag buntis?

"I'm sorry okay? What do you want?" Naramdaman niya ang paghawak ni Treyton sa kanyang braso at sa isang iglap lang ay nakaharap na siya rito.

"Hey, bakit ka umiiyak?" Nag-aalang tanong nito nang mapansin niya ang luhang tumulo sa mata ni Atarah.

"Bakit kasi ang damot mo? Yakap lang naman e." Tila batang nagsusumbong ito.

Nakanguso pa ito na parang batang hindi napagbigyan sa gusto. Napangiti na lang si Treyton sa mga kakaibang reaksyon nito.

"Come here." Inilagay ni Treyton ang braso nito sa ulunan ni Atarah at hinila niya ito papalapit sa kanya.

"Hindi ka magagalit?"

"Naaah. Why would I?"

"Seryoso ka?" Tanong niyang muli at nung tumango ang lalaki, walang pakialam na isiniksik nito ang kanyang sarili at inamoy-amoy pa niya ito.

Treyton doesn't mind at all, niyakap niya na lang din ito pabalik. Siguro nga ay dahil sa buntis ito, paniniwala nito.

"Ay, porn! My eyes!" Rinig nila ang boses nina Mandy at Cosette pero ayaw humiwalay ni Atarah kay Treyton. Ang importante sa kanya ay ang mayakap at maamoy ang lalaki.

When Heart DecidesWhere stories live. Discover now