CHAPTER 12

302 34 14
                                    

12

Abala si Atarah kasama ang mga kasambahay nila sa pagdidilig ng garden. Her Mom used to take care different plants that's why she made her own garden. Kung minsan nga ay siya mismo iyong nagdidilig but she seems busy this past few days, silang dalawa ng Daddy nito. Kaya mga kasambahay muna ang nag-aalaga nito at minabuti na lang din nitong tumulong.

Sa sobrang pagkawili nga nito sa pagdidilig, she didn't mind getting soaked kaya pagkatapos nun ay naligo na ito diretso.

"You look cute with that dress honey," Puna ng kanyang Mommy dahil nga sa pinagsuot niya ito ng maternity dress na ginamit niya noong pinagbubuntis pa niya ito.

She doesn't know what her mom is up to. Nagulat na lang ito kanina nang bumukas ang pintuan and there her mom is, holding a medium size box. Hindi nga rin nito alam kung anong laman nun hanggang sa buksan iyon ng mom niya.

There, she learned that her mom kept all the things she used when she's still carrying her and now Atarah's the one using it for her baby. Aminado siyang cute nga yung damit na suot-suot na niya ngayon, bagay sa kanya.

"Keep using maternity dress Atarah. Huwag ka ng magsuot ng mga fitted." Paalala sa kanya ng mom nito.

Hindi maiwasan ni Atarah na mapangiti na lamang. She still remember the moment she admitted to her parents that she's pregnant. Tandang-tanda pa nito ang disappointment sa mga mukha nila but look at them now, they were supporting her, taking care of her and giving her so many advices.

Her friends were right when they told her na parents can understand you no matter what were the things you have done.

Kahit pa mali mo, kahit pa kasalanan mo as long as you admitted it and as long as you became honest to them, sila at sila ang unang makakaintindi sa'yo. That's family, you know.

Her mom stayed longer inside her room. Ibinigay pa nito ang ilang gamit sa kanya na maaari niyang magamit. Hindi nga ito makapaniwala sa totoo lang. How can her Mom took care of those things? She's already 25 years old for goodness sake and now, buhay na buhay pa ang mga gamit ng Mommy nito.

"You can't believe I still have these things?" Tanong nito sa kanya na para bang nababasa nito kung anong tumatakbo sa isip niya. Smile was then written on her Mom's face.

"That's how I treasure those things na may kinalaman sa'yo anak, especially you." Nakangiti lang ang nanay nito sa kanyang harap hanggang sa magkwento ito noong pinagbubuntis pa lamang siya nito and she really learned a lot from her mom.

Sa mga advices na ibinibigay nito sa kanya, super helpful na. Mukhang hindi na nito kailangan ng obstetrician gynecologist. But of course, she's just kidding. She still need to go for a prenatal care.

"I'm going honey. Bumaba ka na lang for lunch," usal ng ginang.

Tumango naman ito pero wala pang 20 minutes ang nakalilipas simula nung lumabas ang Mommy niya, sumunod din ito at dumiretso pa nga sa kitchen.

Atarah insisted on cooking their lunch. Ayaw pa nga ng kasambahay nila pero dahil mapilit siya, wala na silang nagawa pa. She appreciates those things that her parents and their maids are doing for her kaso nga lang sa sobrang pag-aalala ng mga ito ay pagkabagot naman ang naidudulot nito sa kanya.

Like she wanted to make her daily routine active and productive, but how can she do that kung nakaupo't nakahiga lang siya diba? Gusto niya rin namang tumulong kahit light chores lang, kumbaga part of her pregnancy activities na rin.

"Hey Mom, Dad, foods are ready!" Tawag nito sa parents niya pagkatapos niyang ihain ang mga niluto niya.

Ang parents kasi nito'y nakaupo sa living room at nanonood o kung nanonood nga ba talaga dahil may kanya-kanyang kaharap naman ang mga ito na laptop. Hindi naman na bago sa kanya ang makitang ganyan kabusy ang parents niya. She's used to it.

When Heart DecidesWhere stories live. Discover now