CHAPTER 27

302 29 1
                                    

27

Hindi magkandaugaga si Atarah sa kung anong gagawin niya. Palipat-lipat lang ang tingin nito sa kalsada at sa bata.

"Neon, faster please." Halos mabasag ang boses na utos nito sa lalaking kasalukuyang nagmamaneho.

Pagkatapos ay muli nitong ibinalik ang tingin sa bata at hinaplos ang ulo nito kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso dahil sa sobrang pag-aalala.

"Are you okay? Be strong baby, okay?" Pangungusap nito sa bata na walang ibang ginawa kundi ang isiksik nito ang sarili niya sa kanya habang nakakandong ito at pipikit-pikit ang kanyang mga mata.

"M-mom," pangiyak-ngiyak nitong tawag sa kanyang ina na noo'y nakaupo sa backseat, katabi nito ang kanyang ama.

"Calm yourself honey. Trust him. TJ will be okay." Pagpapatatag ng loob sa kanya ng kanyang ina.

Lumapit pa ito sa kanya at hinawakan siya nito sa kanyang balikat upang kahit paano ay gumaan ang loob nito.

Agad nitong pinunasan ang luha niyang kumawala. She's really worried now. Ang isiping may mangyayari sa bata ay hindi niya kakayanin.

Okay naman kasi ito. Sobrang sigla nito tapos bigla-bigla na lang itong magkakaganito. Ang dahilan kung bakit ito biglang nahimatay ay hindi niya alam at natatakot itong malaman kung ano talaga ang dahilan.

Earlier, while seeing her son being unconscious, she didn't know what to do. Basta hinubad na lang nito ang suot ng bata upang makalanghap ng hangin. Hindi rin nito sinasadyang sigawan ang mga bisitang noo'y nakapalibot sa kanila.

She just wanted to make the area ventilated. Wala na rin kasi ito sa tamang pag-iisip nang makita nitong nakahandusay sa lupa ang bata na walang malay.

She's in the verge of crying that moment. Good thing, after how many minutes TJ then gained his consciousness. Hinayaan niya lang muna ito ng bahagya hanggang sa iyong bata ang kusang yumakap sa kanya, sa nanghihinang paraan.

Ilang beses nitong tinanong sa bata kung okay lang ito, kung may kakaiba bang nararamdaman ito ngunit walang ibang ginawa ang bata kundi ang isiksik nito ang sarili niya against her. Doon ay binuhat ni Atarah ang bata at walang pagdadalawang isip na dalhin na ito kaagad sa hospital.

After her son was admitted in the hospital, kaagad itong ipinasok sa isang kwarto to check his condition. Hinayaan ng doctor ang mga itong magstay sila sa loob including Neon at maging ang mga magulang nito.

The doctor asked Atarah about her son's medical history. Maging ang iba nitong napapansin sa bata lately.

The doctor then started doing blood draws to the baby. Matapos nitong linisan iyong area, he pricked baby TJ's heal with the lancet to collect a small sample of blood.

After few hours of waiting for the blood test, the result was then out and the doctor faced them particularly Atarah.

"Your son has a severe iron deficiency anemia." The doctor told them. "We will require him a daily iron supplement to increase his iron level and to help his hemoglobin back to the normal range." Dagdag paliwanag nito sa kanila base na rin sa results na lumabas sa ginawa nitong test sa bata.

Hindi alam ni Atarah kung bakit ito bigla-biglang nagkaroon ng anemia, worst is severe pa. Healthy naman ang pinapakain niya sa bata, bakit gano'n? TJ seems fine but how come that he has severe anemia?

When the doctor told them about the symptoms of anemia in infants, hindi nito maiwasang sisihin ang sarili niya. She had seen her son being pale and having a fast heartbeat, even if she doubted it, bakit hindi nito naisip na baka may mali sa kalagayan ng bata?

When Heart DecidesWhere stories live. Discover now