CHAPTER 11

308 31 5
                                    

11

Ilang minuto nang nakatingin si Atarah sa cellphone nito simula nung pumasok siya sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung tatawagan ba niya si Treyton o hayaang ang lalaki mismo ang tumawag sa kanya. Subalit naghintay na siya't lahat-lahat, wala pa rin siyang nakuhang tawag mula sa lalaki.

Ang bakla, hindi man lang marunong tumawag. Napanguso ito.

"Tss. Bahala ka. Akala mo namimiss kita? Neknek mong bakla ka!" Tila bata itong nakikipag-away sa cellphone.

Umirap pa ito na parang si Treyton talaga ang kausap. Umupo ito sa gilid ng kanyang kama at humarap sa mesang nasa tabi niya. Doon kasi nakapatong ang phone niyang kanina pa niyang tinitignan na para bang umaasang may mangyayaring himala.

"Magbibilang ako ng tatlo Treyton. Kapag hindi ka talaga tumawag, hindi kita papansinin sa susunod." Kausap nito sa phone na tila nagbabanta pa.

"Isa... Dalawa... Dalawa't kalahati." Pandadaya nito sa pagbibilang pero wala pa rin talaga kaya napanguso ito. "Tat—" Mabilis nitong kinuha ang phone nang marinig niya iyong tumunog.

Nang makitang pangalan ni Treyton iyong tumatawag ay may kung anong nagbubunyi sa kalooban niya. Gustuhin nitong sagutin agad ang tawag pero dahil sa kalokohan niya, hinayaan muna nitong tumunog ito ng ilang beses na para bang nagpapamiss bago sinagot ito ng tuluyan.

"Treyton! Mabuti naman at naisipan mong tuma—"

[Hello, hija? Ang Tita mo ito. How are you?]

Bahagyang natigilan si Atarah. She thought... Napailing na lang ito sa naiisip. Kalaunan ay sumagot din ito.

"Good evening Tita. Okay naman po ako. Kayo po?"

[We are okay here. Did I disturb you?]

"No. Hindi naman po Tita, it's okay."

[I just called because I really miss you. If you have time, come and visit us here again at ng makapag-usap ulit tayo.]

Nakangiti lang si Atarah habang sinasagot ang kausap sa kabilang linya. Gusto niya rin naman kasing dumalaw roon. Kahit na isang beses pa lang nitong nakikita ang parents ni Treyton ay alam nitong mababait ang mga ito. Hindi rin naman ganun kahaba ang pinag-usapan ng dalawa, talagang kinamusta lang ito ng ginang.

[You go to sleep hija. I'll hang up-]

"Tita wait po!" Agap nito sa kausap. May gusto lang kasi siyang makausap. "S-si... Treyton po?" Tila nahihiya pa nitong tanong.
Numero kasi ni Treyton itong ginamit para matawagan siya pero ni hindi niya man lang naririnig ang boses ng baklang iyon.

[He went upstairs already. Kung hindi ko nga lang kinulit ang batang iyon na tawagan ka hindi kita makakausap ngayon.]

Napatango na lamang ito at maya-maya pa ay nagpaalam na sila sa isa't isa. May kung anong naramdaman si Atarah na hindi niya maipaliwanag. Bigla ring bumigat ang pakiramdam nito. Siguro ay umasa — mali, umasa pala talaga itong baka makakausap ang lalaki subalit hindi nangyari.

Akala niya kasi makakausap na niya si Treyton dahil tumawag ito pero hindi pa rin pala. At kung hindi pa siya kinulit ng mama nito'y hindi pa ito tatawagan. Inis na lang nitong inilapag ang phone sa mesa.

When Heart DecidesWhere stories live. Discover now