CHAPTER 29

297 24 0
                                    

29

Habang ipinapaliwanag ng doctor ang tungkol sa kalagayan ng bata matapos nitong dumaan sa blood transfusion kamakailan lang, tahimik lamang na nakikinig sina Atarah at ang parents nito, kasama si Neon, at si Treyton naman ay nasa gilid lamang.

Nakahinga nang maluwag si Atarah matapos marinig na okay na ang anak nito. Kinailangan na lang nitong ipagpatuloy ang iron supplements niya at maging ang pagmomonitor sa kanya. And maybe this week or by next week ay pwede na nila itong ilabas sa hospital.

"Hold on baby. Malapit ka ng lumabas." Marahan nitong hinaplos ang ulo ng bata tsaka ito ngumiti.

"Honey, come here. You need to eat." Tawag sa kanya ng kanyang ina.

Agad namang pumayag ito dahil nagugutom na rin siya kahit papaano. Sumabay na rin si Neon sa kanila. And when she's about to call Treyton ay agad itong lumabas.

She heave a deep sigh while looking at him leaving. She can feel the cold treatment Treyton is giving to her. Simula no'ng mangyari ang araw na iyon, iyong resulta ng paternity testing, ni ang salubungin ang mata nito ay hindi na magawa ng lalaki.

Atarah hates that fact but she can't hate Treyton because of that. After all, alam naman niyang kasalanan niya ang lahat. When Neon nudged her to get her attention, noon lamang siya lumingon sa mga kasama at pinilit ang sariling ngumiti.

Maging sa mga sumunod na araw, hindi na talaga siya kinausap ng lalaki. Gustung-gusto niya itong kausapin pero sa tuwing nagkakaharap na silang dalawa'y nabablanko na siya.

Ang katiting na pag-asang mayroon siya upang magkaayos silang dalawa ay malabo ng mangyari dahil kahit araw-araw pa silang magkasama ay daig pa ng mga ito ang estranghero.

When Friday came, Atarah went home because she needed to get some of her baby's things. Her parents volunteered na idaan na lang ang gamit ng bata mamayang hapon after their work but Atarah disagreed. Sa isip niya'y magiging abala pa ito sa oras ng kanyang magulang besides she wanted to do it herself.

Pasalamat na lang ito dahil naroon si Neon sa hospital at inihabilin nito sa kanya ang bata.

On the other hand, Treyton already paid his son's hospital bills after processing the discharge papers. Nang pumasok ito sa kwarto ng bata ay naroon lang ito't tumatawa dahil na rin sa ginagawa ng nurse sa kanya.

Nang makita siya nito'y agad na pumagilid ang nurse upang mabigyan ito ng espasyo't malapitan ang anak. Treyton smiled at Thyron Jae as he gently pat his head.

"Let's go home, son." Inilahad nito ang dalawang kamay sa bata at agad naman itong nagpabuhat sa kanya.

The doctor and the nurse gave him a smile bago ito tumango at tuluyan silang lumabas doon.

Sa kahabaan ng byahe, Thyron Jae is just sitting on his lap. Ni hindi man lang umiiyak ang bata. Katunayan ay ngumingiti ito sa kanya't nakikipaglaro pa. Treyton didn't know that having a son feels this good. Lalo na at nahahawakan niya ito ng ganito kalapit.

Nang makarating ang mga ito sa kanyang condo, binuksan ng driver nito ang compartment ng kotse. Tutal ay maliit lang ang bag na siyang pinaglagyan sa mga gamit ng bata ay siya na ang kusang nagbitbit no'n papaakyat habang ang driver nito ay inutusan niyang dumiretso na lang sa kompanya.

When Treyton stopped in front of his condo unit, he quickly entered the passcode, tsaka ito dire-diretsong pumasok.

Hindi na ito nagulat nang makita sina Mandy at Cosette na prenteng nanonood sa kanyang sala. Sa halip ay ang mga ito pa ang nagulat nang makita nila ang batang buhat-buhat niya.

When Heart DecidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon