CHAPTER 35

443 27 1
                                    

35

"Bantayan mo siyang maigi. Make sure hindi siya mapapagod ng sobra." Atarah reminded Treyton about their son. Ngumiti naman sa kanya ang lalaki tsaka lumayo ang mga ito at pumunta na sa playground.

Nang maiwang mag-isa, naglakad na si Atarah sa may silong at doon siya tumambay sa ilalim ng puno habang nakangiti niyang pinagmamasdan ang mga itong kasalukuyan ng naglalaro. They were here at park. It's their first time to go out and Atarah's really happy about it.

Meanwhile, loud ring from her phone took her attention. Kaagad naman niya iyong sinagot. Thea is calling.

"Why?"

[Where are you?]

"Bakit?"

[Nagtatanong lang.]

"Bakit nga?"

[Bakit ka nang bakit d'yan. Bwisit! Nasaan ka nga?]

"Ewan ko sa'yo! Bwisit ka rin!" Tugon nito tsaka agad itong pinatayan ng tawag.

Nang-istorbo na nga, nagagalit pa. Kahit kailan talaga 'tong si Thea, hindi makausap ng matino. Napailing na lang ito.

Noong ipapasok niya na sana ang phone nito sa maliit niyang bag, napunta ulit ang tingin nito sa direksyon nina Treyton at Thyron. Her son was placed on Treyton's shoulder. Habang hawak-hawak ni Treyton ang bata sa magkabila nitong kamay ay itinatakbo niya ito, nagmistulang superhero tuloy ito na lumilipad.

Kahit na hindi nito naririnig masyado ang tawa ng bata dahil nakapwesto ito medyo may kalayuan sa kanila, nakikita nitong nag-eenjoy ito.

Felt fascinated and not to miss that scene, Atarah decided to get them photographs. Eksaktong no'ng humarap sa kanya ang dalawa, she zoomed the camera and get them shots.

Hawak pa rin ang kamay ng bata, Treyton waved at her. Kumaway naman ito pabalik sa kanila at hindi na maalis-alis ang ngiti sa labi niya.

As the two continued playing, tutok na tutok lamang si Atarah sa mga larawang nakuha niya. She even set the last shot she got as her lockscreen wallpaper.

"Mag-ama mo?" Napatingin ito sa biglang nagsalita.

Her eyes slightly narrowed from that old woman and when she remembered who it was, napangiti ito. But that old woman narrowed her eyes too na para bang inaalala niya kung dati na ba niyang nakita si Atarah.

"Teka, diba ikaw 'yong nakita ko rin dito noon?" Tanong ulit ng ginang nang maalala niya nga si Atarah.

"Opo." She politely answered.

"Pero diba..." Natigil sa pagsasalita ang matanda. Tsaka ito napatingin sa direksyon nila Treyton, sa hawak niyang phone at balik ulit kina Treyton.

"Hindi maipagkakaila, siya nga yung ama ng bata. Pero sino iyong kasama mo noon?" Halatang naguguluhang tanong nito sa kanya.

Iyong matanda ay isa sa mga naglilinis dito sa park, iyong nakausap din ni Atarah noon. And the first time she saw her here ay noong kasama niya si Neon kaya siguro ito nagtataka.

"Kaibigan ko po. Ninong ng anak ko." Sagot nito. Makailang ulit na tumango sa kanya ang matanda, siguro ay unti-unting naliwanagan. "Bakit po?" This time, si Atarah naman ang tila naguluhan dahil sa paraan ng paninitig ng ginang sa kanya.

"Kumpara sa ngiting ibinigay mo sa akin dati, yung ngiti mo ngayon ay umaabot na sa'yong mga mata."

When Heart DecidesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora