Chapter 12 - Gretel

141K 5.7K 1.3K
                                    

CHAPTER 12 - Gretel

=x=x=x EMERALD x=x=x=

"Emerald?"

"Princess Emerald?"

"Emerald, naririnig mo ba ako?"

Dinilat ko ang mga mata ko and the first thing I saw are blue eyes.

Si Matt.

"Nasaan ako?" tumingin ako sa paligid. "Ang mga mermaids! Kailangan natin silang iligtas!"

"Don't worry, Emerald. May mga pinadala na ako doon para tulungan sila," sabi ni mama. Umupo ako. Hindi pwedeng nandito lang ako sa kwarto ko.

"Sino nagdala sa akin dito? Ang huli kong naaalala ay may humatak sa paa ko habang tinatakas na ako ni Zoren," sabi ko.

"Ang Dark Side," sabi ni Francis. "Buti nalang at niligtas ka ni Zoren at ng isa pang mermaid. Kasalanan ko ang lahat ng 'to Emerald. Sorry."

"O-Okay lang, ang mahalaga ay walang nasaktan," sabi ko. Lumuhod parin siya sa harap ko at humihingi ng tawad.

"Anong okay lang? Alam mo bang muntik ka nang makuha ng dark side?!" galit na sabi ni Matt.

"Pero nandito na ako diba?"

"Tignan mo paa mo," utos niya saken. Hinatak niya pababa yung kumot ko.

"A-Ano 'to... Anong nangyari?"

"Yan ang epekto kapag nahawakan ka ng mga Dark Side," sabi ni Ate Jade.

"Mukha bang okay 'yan?" inis na sabi ni Matt.

Tinitigan ko yung namumulang paa ko kung saan ako hinatak ng dark side. Parang nalason. Ganito ba ang epekto nila sa akin? Hawak palang nila ay nakakalason na?

"Hindi ba magagamot 'to?" tanong ko.

"Hindi ko kayang gamutin ang sugat na ginawa ng mga dark side. Gagaling 'yan ng kusa pero matagal," sabi ni ate Amethyst.

"Masakit ba?" tanong naman saken ni Ate Sapphire.

"H-Hindi na," sabi ko. "Ang weird lang tignan."

Napatingin kami sa pinto nang pumasok si Vincent.

"Okay na, Queen Diamond. Ligtas na po yung mga mermaid. Pero nasira po ang kanilang tirahan," sabi niya.

Napayuko ako. Hindi ko sila natulungan. Wala akong kwenta.

"May mga namatay ba? Ligtas ba ang mga bata doon?" tanong ko.

"Walang namatay, ligtas sila." Nginitian ako ni Vincent. "Wag ka nang mag-alala. Ako na bahala sa tirahan nila."

"Sipsip."

"Ano, Matt? May sinabi ka ba?" tanong ni Ate Ruby kay Matt.

"Wala."

"Mabuti pa'y bumaba na tayo. Nakahain na ang dinner," sabi ni Mama. Sabay-sabay na kaming bumaba at nagdinner.

"Nakakainis naman, mukhang hindi ko na mailalabas si Emerald. Kasalanan mo 'to Francis!" asar na sabi ni Allen. "Hindi mo kasi inalagaan si Emerald eh!"

"Hindi ko naman alam na may mangyayaring masama!"

"Itigil niyo na nga 'yan," saway naman ni Vincent.

"Ang ingay. Nakakainis." Lumayo si Matt kay Francis at Allen.

*poof!*

Napatingin ako sa maliit na pixie ni Mama. Ang cute cute talaga! Namimiss ko na si Tipsy _(._.)_

Tumayo bigla si Mama. "Pagkatapos niyong kumain ay magpahinga na kayo. May aasikasuhin lang ako."

Lumabas na siya ng dining hall. Ano kayang nangyari? Kapag ba naging Queen na ako ay magiging ganon din ako kaabala?

Tumayo na rin ako at umakyat papunta sa kwarto. Nakita ko si Matt na papasok palang sa kwarto niya. Papasama nalang ako sa kanya bukas. Babalikan ko yung mga mermaids. Hihingi ako ng tawad dahil wala akong naitulong.

~*~*~*~*~*~

"Tulong po!"

"Tulungan niyo po kami!"

"Kuya! Kuya!"

Napaupo ako bigla. Nanaginip lang pala ako. Pero sino kaya yung batang babaeng 'yon? Lumabas ako ng kwarto. Nasaan nga pala yung kusina?

"Emerald?"

"Matt? Bakit gising ka pa?"

Sabay kaming bumaba ng hagdan.

"Hindi ba't dapat ako ang nagtatanong sayo kung bakit gising ka pa?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ang sungit mo talaga sa akin. Nakakainis ka na. Nanaginip kasi ako."

"Nanaginip ka?! Anong napanaginipan mo?" tanong niya bigla. Tumigil din siya sa pagbaba ng hagdan.

"Isang batang babae lang na nahingi ng tulong. Bakit?"

"Napanaginipan mo rin siya?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Oo, bakit? Ano ba, Matt. Natatakot ako sayo," sabi ko. Nakatitig parin siya sa mga mata ko.

Hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinatak ako. "Saan tayo pupunta?"

"Naalala mo ba kung nasaan yung bata sa panaginip mo?" tanong niya sa akin.

"H-Hindi. Madilim kasi sa panaginip ko." Dinala niya ako sa labas ng castle. "Anong ginagawa natin dito? Ang dilim na Matt. A-Anong gagawin mo saken?!"

"Wag kang maingay!" Tinakpan niya ang bibig ko. Teka, bakit hawak niya parin ang kamay ko? Sumosobra na 'to ah!

"T-Tulong p-p-po..." Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Matt. Sino 'yon. Shit. Baka minumulto na kami!

"Tama ako. Nandito nga yung bata sa panaginip natin." Hinatak ako ni Matt palapit sa malaking golden gate ng castle.

"T-Tulungan n-niyo p-p-po a-ako..."

"Matt, baka multo 'yan," bulong ko.

"Sana nga multo 'yan para iaalay nalang kita sa kanya."

"Epal ka. Nakakainis!" Hinatak ko na yung kamay ko kaya napabitaw siya saken.

"Pikon."

Biglang may yumakap sa bewang ko mula likod. SHIT. SINO TO. Hinatak ko si Matt kaya muntik na siyang sumubsob saken.

"Ano ba 'yon? Bakit ka bigla nanghahaltak diyan?! Muntik na tayong--"

"M-M-Matt!" naiiyak kong sabi. "M-May nakayakap sa likod ko."

Tumingin siya sa likod ko. Bigla siyang yumuko.

"Bata, okay ka lang?" tanong niya. Unti-unting lumuwag yung yakap sa akin ng bata hanggang sa bumitaw na siya.

"Tulungan niyo po ako! Yung kuya ko po, kinuha ng witch! Tulungan niyo po ako!" umiiyak na sabi ng bata. Kahit madilim ay kitang-kitang ang blonde at kulot niyang buhok. Ang liit lang niya at ang payat.

"Anong pangalan mo?" tanong ko. Hinaplos ko ang pisngi niya. Basang basa.

"Gretel po. Tulungan niyo po si Kuya Hansel! Kinuha po siya ng witch! Kakainin po siya ng witch!"

______________________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Where stories live. Discover now