Chapter 44 - The Dark Prince

122K 4.1K 1K
                                    

CHAPTER 44 - THE DARK PRINCE

~*~*~* EMERALD'S POV *~*~*~

Nasaan ako? Bakit ang dilim?

Bakit wala akong maalala?

Ang naaalala ko lang ay... kumain ako ng apple. Tapos nahirapan ako huminga kaya bumagsak ako. Wala akong maalala kung paano ako nakarating dito.

Parang isang gubat. Madilim na gubat. Wala ba akong kasama?

May narinig akong gumalaw sa likod ko. "Matt? Zac? Brix? Jared?"

WALA BA AKONG KASAMA?!

May gumalaw nanaman sa likod ko. This time, parang natakbo. And then I heard a growl. Parang... parang aso.

Shit. Takot ako sa aso. Sana walang aso. Sana guni-guni ko lang 'to.

May gumalaw nanaman. Tapos may tumahol. SHIT! Napalingon na ako at pagtingin ako, ASO NGA! AS IN MALAKING ASO! MAY TATLONG ULO PA!

TAKBO! TUMAKBO KA EMERALD!

Di ko na alam kung saan na ako papunta basta kailangan kong tumakbo. Shet bakit ba ako hinahabol ng asong 'to?! Mukha bakong baboy? Mukha bakong masarap? Badtrip namaaaaan!

Feeling ko susuko na nga paa ko. Konti nalang at hihingalin nako. Hindi ko na kaya! Paglingon ko sa likod ko ay nandoon parin siya. Este sila pala dahil tatlo ulo niya. Hinahabol parin ako. Kitang kita ko yung mga ngipin nila at tumutulo pa ang kanilang mga laway.

Sa ganitong paraan ba ako mamamatay? Sa madilim na gubat na 'to? Sana namatay nalang ako dahil sa Cancer. Mas tanggap ko pa 'yon. Bakit ba hindi ko kasama sila Matt?! Akala ko ba trabaho nila ang protektahan ako? Edi sana... sa tabi ni Matt ako mamamatay.

What a great way to die. To die right next to the person you love.

Drama ko jusko mamamatay na nga ako eh. Susuko na talaga ang mga paa ko. Hindi ko na talaga kaya. Pero saktong hihinto na ako nang makalabas ako ng gubat. Bumungad sa akin ang isang malaking castle.

Nasaan ba ako? Hindi ko pa nakikita ang castle na 'to ah? Ang dark ng castle at... may mga thunder clouds pa sa tuktok. Mas nakakatakot pa sa castle nila Vincent.

Naramdaman kong may tumulo sa balikat ko na parang malagkit. Pagkapa ko ay parang laway. Ew! Bakit may laway sa balikat ko?!

I heard a growl again. At mas malapit siya. Nakaramdam ako ng mainit na hinga sa likod ko. SHIT! NAKALIMUTAN KONG HINAHABOL PALA AKO NUNG ASO!

Napadapa nalang ako nang biglang tinulak ako nung aso gamit yung nga ulo nila. Paglingon ko ay sobrang lapit sa akin ng mga pangil nila. Eto na nga, napaiyak nalang ako kasi sa ganitong paraan ako mamamatay. Hindi matatagpuan nila Matt ang bangkay ko kasi nasa tiyan ako ng aso. Ang matatagpuan nalang nila ay isang tae kasi itatae nako ng aso.

Pumikit nalang ako at hinintay ang kahahantungan ko.

"HOY!" Napadilat ako at napatingin sa guard na sumigaw. "DALHIN MO DITO 'YAN!"

Hinatak ng malaking aso yung dulo ng wedding gown ko at hinatak ako papunta sa guard na nakatayo malapit sa gate ng castle. Nakahiga pa talaga ako habang kinakaladkad ng aso. Ang sakit, ang dumi ko na -_-

Sa wakas ay natapos na ang paghatak sa akin. Tumayo na ako at nagpagpag.

"Sino ka?" tanong nung kawal sa akin. "Bakit ka nandito?"

"E-Emerald po..." nauutal kong sabi. Nakakatakot kasi yung itsura niya. Ang dami niyang pimple at sungki ang kanyang mga ngipin. "Hindi ko po alam kung paano ako nakarating dito."

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Where stories live. Discover now