Chapter 33 - Medusa's Curse

111K 4.2K 974
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Dahil ang daming nagmemessage sa akin ng questions, pakicomment nalang po sa baba :) Gagawa ako ng FAQs :)

-Onneechan

______________________________________________________________________________

CHAPTER 33 - MEDUSA's CURSE

Pagkadilat ko palang ay nakakita na agad ako ng langit.

Ay. Langit? Sila Zac pala. Bakit topless 'tong mga 'to? Bakit wala silang tshirt habang mahimbing na natutulog sa lapag? Nakakaasar. May mga abs pa sila :'(

Napatingin naman ako sa gilid ng kama ko. Si Matt. Bakit ganyan siya matulog? Nakaupo siya at nakasandal sa kama ko. Gaya ng pwesto niya kagabi. Ayaw niya bang humiga? Ang gwapo--

Bumukas ang pinto at nakita ko si Mama. Napatayo tuloy ako bigla.

"Goodmorning," bati sa akin ni Mama. Pero pabulong lang syempre. "Bakit walang tshirt sina Zac?"

"Nainitan po siguro, Ma."

"Pwede bang samahan mo ako?" Saan naman? Pinaligo niya na ako habang siya ay nakaupo sa kama. Parang may kakaiba kay Mama ngayon. Pagtapos ko maligo ay nagbihis na agad ko.

"Anong... meron?" Paglabas ko kasi ay nakatayo na agad sina Zac at mukhang mga bagong gising. Si Mama naman ay nakaupo habang may iniinom na tea. Si Matt lang ang hindi topless. Sayang--

"Sasabihin niyo ba sakin kung bakit hindi kayo nakatshirt?" tanong ni Mama. Nagkatinginan naman sina Brix, Zac at Jared bago kamutin ang mga ulo nila.

"Nasanay po kasi kami na matulog nang walang tshirt," nakayukong sagot ni Brix.

"Nainitan po kasi ako kagabi," sagot naman ni Jared.

"Sorry po," sabi naman ni Zac.

"Tsk. Buti pa si Matt. Di bale. Mag-ayos na kayo. Hindi niyo kailangan bantayan si Emerald ngayon. Ako ang makakasama for today." Tumayo na si Mama at hinatak ako.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa taas."

Ha? Sa taas? Saang taas? Anong meron sa taas?

Ayun. Umakyat nga kami. At nadiscover ko na sa pinakamataas pala ng castle ay may rooftop. Kitang kita mo ang lahat ng nasa paligid ng Middle Kingdom. Kitang kita ang Middle Village. Pati yung ibang castles ay nakikita kahit sobrang layo.

"Ang ganda 'no?" Tumabi sa akin si Mama at nginitian ako. For a moment, tahimik naming tinignan ang paligid. Narealize ko na hindi pa pala ako nakakapunta sa Middle Village. Hindi ko pa nakikita yung mga taong nasasakupan namin. Ang mga Modars.

"Emerald, nagalit ka ba sa akin? O kaya, galit ka ba sa akin?" Nagulat naman ako sa naging tanong ni Mama.

"Bakit naman po ako magagalit sayo?" tanong ko.

"Kasi binigay kita sa iba noon. Hinayaan kitang lumaki na hindi ako kilala at hindi alam ang katotohanan. Tapos ngayong 18 ka na at mahal na mahal mo na sina Minerva, bigla kitang kukunin. Sorry. Sorry kung iniwan kita."

Napatingin ako sa sunrise. Naalala ko nanaman si Mommy Minerva. Nagalit nga ba ako?

"Sana maintindihan mo na ginawa ko 'yon dahil mahal kita at gusto kitang protektahan. Ginawa ko 'yon kahit alam kong mawawalay ka sa akin." Niyakap ako bigla ni Mama. "Patawarin mo sana ako."

Naiiyak ako bigla. Akala ko dati ang malas ko. Akala ko malas ako kasi ang gulo ng buhay ko. Pero ang  swerte ko pala. Kasi dalawang nanay ang nagmahal sa akin.

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Where stories live. Discover now