Chapter 26 - I Hate Frogs

128K 4.5K 2.7K
                                    

Random Question #3:

Paano kung si Prince Vincent pala talaga ang kaloveteam ni Emerald?

-Onneechan

______________________________________________________________________________

CHAPTER 26 - I HATE FROGS

"HUWAG NA KAYONG BABALIK DITO!"

"Q-Queen Diamond..." sabi ni Red.

"LABAS!"

Tumakbo na palabas ang mga werewolves kasama sina Clarence at Red. Ugh. Nakakainis!

"Bakit kasi sinumbong mo pa?!" galit kong bulong sa lalaking nakatayo sa tabi ko.

"Anong gusto mo? Palampasin ko lang ang ginawa sayo nung isang aso?" bulong niya sa akin.

"Pinatay mo na nga diba? Walang kasalanan sina Clarence. Tsaka werewolf 'yon. Hindi lang aso."

"Ewan ko sayo. Ang gulo mo," inis na bulong niya. "Hindi ka nga nagthank you."

"Matt, gusto kong higpitan mo ang pagbabantay kay Emerald. Maraming maraming salamat kasi once again, niligtas mo siya," sabi sa kanya ni Mama. Napaface palm nalang ako.

Pero tama si Matt. Kung hindi dahil sa kanya ay baka... baka... ugh. Nandidiri ako pag naiisip ko.

Kadiri. Kadiri. Kadiri. Nandidiri ako sa sarili ko.

"Emerald, naiyak ka..." mahinang sabi ni Matt. Naglabas siya ng panyo at pinunasan ang mga luha ko.

"Hinding hindi na mauulit 'yon," sabi ni Ate Amethyst.

"Tahan na, sis. Naiiyak din tuloy ako," sabi naman ni Ate Sapphire.

"Sayang kasi patay na yung lalaking mangrarape dapat sayo. Dapat mas pinahirapan pa natin," sabi ni Ate Jade.

Lumapit sa akin si Mama at niyakap ako nang mahigpit. "Sorry. I am so useless. Hindi kita naprotektahan."

Napaiyak ako lalo. I really needed a hug from my mother.

Namiss ko bigla si Mommy Minerva.

"Tumatanda na ako, Emerald. Humihina na ang... ang kapangyarihan ko. Please, wag kang lalayo sa mga Ate mo at kanila Matt. Poprotektahan ka nila kapag hindi ko na kaya," malungkot na sabi ni Mama.

Lumipas ang mga araw. Nagpatuloy ang tutor classes ko with Miss Ella. Ay! Mrs. Ella na pala siya. Natuklasan ko na may talent pala ako sa archery at wala pala akong talent sa chess.

Ngayon ay nakaupo lang ako sa kwarto. Boring. Namimiss ko na yung wifi. Yung facebook. Yung twitter at tumblr. Namimiss ko na yung mga pinapanood kong tv series. Yung Friends... HIMYM... Grey's Anatomy... Gossip Girl... Ugh. Bakit kasi hindi uso dito ang technology?! Bakit kasi ilaw lang ang may kuryente dito?!

Napatingin ako sa kwarto nang may kumatok at may pumasok.

"Emerald, nasa Great Hall si Prince Vincent at kausap ang Mama mo. Nagpapaalam siya na dadalhin ka daw niya sa castle nila! Kyaaaa~ Kiligmuch~" kinikilig na sabi ni Felicity.

Teka, ANO?! Ayoko nga!

***

"Alam mo namang delikado palagi ang buhay ni Emerald diba? Bakit kasi naisipan mo pang dalhin siya sa castle ninyo?" inis na sabi ni Matt.

"Ano ba ang pakialam mo?" sabi naman ni Vincent.

Napapikit nalang ako. Wala akong nagawa. Pumayag si Mama sa paalam ni Vincent. Ngayon nandito ako sa chariot kasama si Vincent at sina Matt, Jared, Zac at Brix.

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon