Chapter 35 - Where Everything Changed

113K 4.1K 553
                                    

CHAPTER 35 - WHERE EVERYTHING CHANGED

This can't be happening.

Kasalanan ni Matt 'to eh. Kung ano ano kasi sinasabi niya. Nababaliw na ba ako?!

I'm the future Queen. Marami akong dapat pinoproblema. Argh. Hindi ko kaya 'to.

Bumukas ang pinto at pumasok na sina Meredith.

"Maligo ka na, Emerald. Nakahanda na yung breakfast sa baba," sabi ni Meredith.

"Aayusan ka namin nang bongga today kasi baka dumalaw ka sa village," sabi naman ni Felicity.

Teka. Sa village? "Bakit ako dadalaw sa village?"

"For your image. Kailangan mong magpakita sa mga Modars. Kailangan nilang makita ang next Queen nila," sagot ni Lucinda.

Next Queen nila. I'm not ready.

"Umuwi na ba sila Ate?" tanong ko.

Nagkatinginan silang tatlo. "Hindi pa."

Ayaw na siguro nilang umuwi dito. Maaalala kasi nila si Mama. Ayaw siguro nilang makita ang mukha ko. Ang dahilan ng lahat.

Inayusan na nga nila ako. And then nagbreakfast. Nang mag-isa.

I've never been so alone in my life.

Ngayon lang.

Ang sakit tignan yung space kung saan nandoon sila dati. Ang sakit isipin na iniwan ka na nila. Na wala na sila sa tabi mo. Na mag-isa ka nalang.

At mas masakit isipin na kasalanan mo ang lahat.

"Ready?" I nodded and followed Meredith out of the castle. Pagkasakay ko sa chariot ay nandoon na sina Matt at Zac.

"Goodmorning," bati sa akin ni Zac.

Bakit ganito? Bakit naiinis ako kay Matt?!

As soon as lumipad na yung chariot na sinasakyan namin papunta sa Middle Village, kinabahan ako bigla. Paano kung ayaw nila sa akin? Paano kung hindi nila ako matanggap as Queen?

"Itotour ka namin sa Middle Village. Makikita mo yung farms nila." Tuloy tuloy lang si Zac sa pagsasalita habang ako ay nakatingin lang sa labas.

Kinakabahan ako.

"Emerald?"

"Oh. Bakit, Zac?"

"Nakikinig ka ba saken?"

"Sorry." Umupo ako nang maayos.

"May problema ka ba?" biglang tanong ni Matt. Wow, nandyan pala siya? Ngayon lang kasi siya nagsalita eh -_-

Ano bang nangyayari saken?! Bakit naaasar ako kay Matt?!

"Wala."

"Ano nga 'yon?!" Tinitigan niya ako nang matagal. Yung klase ng titig na parang nagsasabing umamin na ako.

"KinakabahanAkoKasiBakaHindiNilaAkoMagustuhan," mabilis kong sabi.

Ayun. Nakatitig lang sila saken. Mga 5 minutes na tingin. Hindi yata nila ako naintindihan -_-

"What? Alien ka na ba?" sabi ni Zac habang kinakamot ang ulo niya.

"Bakit ka naman nila hindi magugustuhan?" tanong ni Matt.

"Naintindihan mo siya?" gulat at natatawang tanong ni Zac.

"Kasi... ako ang may kasalanan kaya nawala si--"

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Where stories live. Discover now