Chapter 15 - Chant

153K 5.2K 947
                                    

CHAPTER 15 - CHANT

=x=x=x EMERALD x=x=x=

"Saan galing ito?" galit na tanong ni Ate Amethyst.

Tumingin ako kay Matt at tumingin kay Mama bago yumuko. We're having breakfast nang makita ni Amethyst ang braso ko. Tinakpan ko na nga ng scarf nakita niya parin. Aish.

"May ginawa ka kagabi. Amoy dark forest ka. Anong nangyari, Emerald?" tanong ni Ate Jade. Grabe. Hindi ako ligtas kapag nandito si Ate Jade. Nararamdaman niya ang mga nagawa ko.

"Anong nangyari kagabi Emerald? Bakit nandoon ka?" seryosong tanong ni Mama. Tumingin ulit ako kay Matt.

"Ako po ang may kasalanan," sabi bigla ni Matt. "Niyaya ko po kasi siyang lumabas kagabi. Dinala ko siya doon para... para makita ang ganda ng forest sa gabi."

"How can you be so irresponsible?!" galit na sabi ni Ate Ruby.

"Hindi--" Tinitigan ako nang masama ni Matt kaya hindi na ako nakaimik.

"Hindi ko na tatanungin kung ano ang nangyari kagabi. Pero dahil kasalanan mo, puntahan mo ang Engkantada at papuntahin mo dito," utos sa kanya ni Mama. Tumayo na si Matt at umalis kasama si Brix.

"Engkantada? Anong Engkantada?" naguguluhan kong tanong.

"Tiyak na magugustuhan mo siya, Emerald!" masayang sabi ni Ate Sapphire.

"Sino siya?"

"Siya ang nag-iisang Engkantada. Hundreds of years ago, isang angkan sila na nakatira sa mga light forest. Sila ang pinakamaganda sa lahat ng immortal dito. Maaliwalas ang paligid kapag nandyan sila. Gumaganda ang panahon at blooming ang mga bulaklak. Napakaputi nila at malalakas ang kanilang mga kapangyarihan,," paliwanag ni Ate Sapphire.

"Kaya nilang magpagaling ng kahit anong sakit. Kaya nilang bumuhay ng patay na at kaya  rin nilang bawiin ang buhay ng isang tao," dugtong ni Ate Amethyst. "Sa kanila nanggaling ang kwintas ko. Kaya nakakapagpagaling ito ng sakit. Pero hindi kagaya nila na lahat ay kayang pagalingin."

"Kaya rin nilang malaman ang mangyayari sa kinabukasan mo," sabi naman ni Ate Jade. "Ang Engkantada ang nagturo sa akin kung paano ko gagamitin itong kapangyarihan ko."

"Pero, diba sabi niyo na isa nalang ang natitirang Engkantada? Anong nangyari sa iba?" tanong ko.

"Nilusob sila ng Dark Side years ago. Kahit gaano pa kalakas ang kapangyarihan nila, hindi nila pwedeng gamitin ito pang-laban. Pwede lang nila ito gamitin para sa kabutihan. Kaya't hindi sila nakalaban noong pinatay sila ng mga Dark Side. Isa lang ang nakatakas at nakaligtas," sabi ni Mama. Nalungkot ako bigla. Grabe pala ang ginawa sa kanila ng Dark Side.

"Ano pong pangalan niya?" tanong ko.

"Thelessa."

Bumukas ang malaking pinto ng dining hall at pumasok sina Allen at Francis.

"Magandang umaga, aking prinsesa!" Masayang bati ni Allen. Umupo siya sa tabi ko. Lumalabas nanaman ang dimples niya. Kahit 19 years old na siya mukha parin siyang 12 years old. Ang cute cute!

"Anog nangyari sa braso mo?" gulat na tanong naman ni Francis. Kinuwento ko ang lahat ng nangyari kagabi at ang pagpunta ng Engkantada ngayon.

"Pupunta ang Engkantada ngayon?!" biglang sabi ni Vincent. Kakapasok palang niya sa dining hall at mukhang kakagising palang niya.

"Lagot," mahinang bulong ni Allen.

"Maaari ka munang umuwi sa inyo, Prince Vincent, kung hindi ka comfortable," sabi ni Mama.

"Teka, bakit? Ayaw mo makita ang Engkantada?" tanong ko.

"Opo, Mahal na Reyna. Babalik nalang po ako sa aming kaharian," sagot ni Vincent kay Mama. Hindi niya ako pinansin at umalis na. Anong problema nun? Galit ba yun saken?

"Ang sungit talaga niya minsan," sabi ni Francis.

"Pagpasensyahan mo na, Emerald. Ayaw lang niyang pag-usapan ang away ng Vampires at ng Engkantada," sabi ni Ate Sapphire.

"Away? Magkaaway po sila?" nagtataka kong tanong.

"Oo. Nagkagusto kasi si Vladimir kay Thelessa. Ngunit tinanggihan siya nito. Kaya nagalit si Vladimir. Mula noon ay hindi tumatapak ang mga Vampires sa light forest dahil teritoryo iyon ni Thelessa," paliwanag ni Ate Jade.

"Kaya ako ang naging asawa niya. Dahil masama ang magiging future ng isang kaharian kapag wala silang Queen. Ako ang naging Queen. Pero hindi naman ako pinapansin ni Vladimir kaya umuwi ako dito," sabi naman ni Ate Ruby.

"Malapit na sila," sabi ni Ate Jade habang nakatingin sa taas. Black na black nanaman ang kulay ng kanyang mga mata. Nakakatakot pero ang cool.

Tumayo na kami at pumunta sa Great Hall. Ang Throne Room. Umupo na kami sa kanya-kanya naming thrones samantalang sina Francis at Allen at nakaupo sa gilid. Ngayon ko lang napansin na ginawan pala sila ng parang mga thrones pero mas maliit sa mga thrones namin.

Bumukas ang malaking pinto at sumigaw ang kawal. "Thelessa, the one and only Enchantress!"

Tumayo kami. Papasok palang siya ay nararamdaman ko na. Ang gaan bigla ng loob ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Lahat ng takot na nangyari sa buhay ko ay nalimutan ko bigla. Naging mas maaliwalas ang paligid ng Great Hall.

Ang ganda niya. Walang kapantay ang ganda niya. Black na black ang kanyang buhok. Sobrang puti niya at ang ganda ng green niyang dress. May nakasabit na pana sa likod niya at may hawak siyang parang wand. Ang ganda ng kulay violet niyang mga mata.

"You highnesses," sabi niya. "Bakit niyo po ako ipinatawag?"

Umupo na kami. Hindi ko na napansin na kasama pala niya sina Matt at Brix. Ang ganda niya kasi. Tomboy na yata ako! Kaloka.

"Mabuti naman at pumayag kang pumunta dito, Thelessa. Kamusta ka na?" tanong ni Mama.

"Mabuti naman," sagot niya. Ngumiti siya. Grabe, ang ganda niya rin ngumiti.

"Kung ganoon, gusto ko sana ipagamot itong anak ko. Thelessa, meet my youngest daughter, Emerald." Tinuro ako ni Mama. Tumingin sa akin si Thelessa at nginitian ako. GRABE KINIKILIG AKO!

Pero biglang nawala ang ngiti niya. Sa isang kurap ay nasa harap ko na siya at nakahawak siya sa pisngi ko. Naging silver bigla ang mukha niya at nakakatakot ang tingin niya sa akin.

'Wala sa kanila ang hinahanap.
Madilim ang magiging hinaharap.
Isa lang ang makakapagligtas,
Tumatakbo na ang oras.

Makakahanap ng pag-ibig na bawal.
Babalutin ng dilim ang hindi dapat.
Mabibigo sa dapat na pinapangalagaan.
Kamatayan ang magiging kapalit ng lahat.'

Binitawan niya na ang pisngi ko. Anong nangyari? Ano yung kinanta niya?

______________________________________________________________________________

Yung babae sa multimedia ay si Thelessa, ang Engkantada :3

-onneechan

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Where stories live. Discover now