Chapter 6

1.2K 41 1
                                    

Chapter  6 : Blunt and Innocent

Nagising ako ng makaramdam ng pag galaw. Kumibot ang labi ko, nangunot maging ang noo ko. Mahina akong napa singhap ng gumapang ang kamay ng kung sino, hinahapit ang aking baywang.

Duon ko lang na alalang katabi ko nga pala si Axy..

Inalalayan niya ako sa kama, naupo lang ako dahil katatapos lang namin kumain, nais ko munang magpababa.

Napa baling nalang ako kay Axy, tumayo ito galing sa pagkakaupo.

"Axy.. saan ka matutulog?" I ask, nais ko lang malaman.

"Duon ako sa couch, Roku." Seryosong usal niya.

Nalukot ang mukha ko. "Ha? Bakit ruon?" Wala bang ibang kwarto ang bahay na'to.

Mukhang nabasa niya ang iniisip ko matapos niyang sumagot. "There's no guestroom here, Roku." Ganun? I felt her getting closer, awang ang labi ko ng maramdaman ang hininga niya, tumatama sa pisnge ko..

"Unless you want to share the bed with me.." I gasped.

Hindi ako naka sagot, ni ang maka galaw. Lahat ay dahil sa mapang akit niyang boses, kung kasalanan man marinig ang tinig niya sa ganung paraan, baka naging maka salanan na ako.

I can't understand why it felt good.. hearing her sensual voice..

"Just kidding, Roku.." Bigla ay usal niya, ramdam ko ang pagtutol sa loob ko. Why is that?

"Go, sleep now—" Ramdam ko ang pagtayo niya, sa taranta ko'y nahila ko ang kwelyo ng damit niya, palapit sa'kin.

"Sige, Axy.." Kusang lumabas sa bibig ko.

I felt her, stiff. "What?"

"Sleep here with me.. beside me.."

Kumabog ang puso ko ng marinig ang malalim at napapaos niyang pagtawa. Ganun na kalalim ang paghinga ko ng sumiksik siya sa pagitan ng ulo't balikat ko.

"How can you be so seductive... with that innocent face," I bit my lip, nakikiliti ako sa mainit niyang hininga, tumatama sa leeg ko. "So tempting.. Ma déesse."

Napa nguso ako, bakit ba ang weird palagi ng kinahahantungan ng pag-uusap namin?

Nagbalik lang ako sa diwa ng bahagyang mapa kislot. Iyon na naman ang kiliti sa bandang leeg ko, her warm breath again..

Bahagya akong nakaramdam ng hiya sa aming pwesto ngunit hindi gaano, siguro dahil nasasanay na ako sa presensya ni Axy, maging ang mga pagkilos niya, ang bawat pagdikit ng balat namin, maging ang mga minsan niyang lintanya, lahat ng 'yon natututunan ko ng makasanayan.

Iginalaw ko ang braso, napa ngiwi nalang ako ng hindi ito magalaw. Ang kanyang ulo ay naka unan dito. Kagabi naman ay ako ang naka unan sa kanyang braso, paanong nagpalit ang aming position?

Napa buntong hininga nalang ako at hinayaan ang ganung pwesto. Hindi naman mabigat ang kanyang ulo, sa katunayan ay ka'y gaan nito at mukhang comfortable naman siya sa ganitong position.

Napa ngiti nalang ako. Si Axy, nito ko lang siya nakilala at naging kaibigan ngunit pakiramdam ko sobrang dami na niyang naitulong sakin. Nahihiya ako sa pang aabala sa kanya ngunit nakaloloko ang maraming pagkakataong ganun ang nangyayari.

Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1Where stories live. Discover now